Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI ikinaila ng fashion icon na si Heart Evangelista na fan na fan na siya noon pa ng isa sa mga kaibigan nito sa industry, si Jolina Magdangal.
Talaga namang always niya ini-admire si Jolens sa style nito sa kanyang fashion.
At doon nga raw nito nakita ang kakaibang peg ni Jolina sa mga kasabayan nitong artista noon.
Pareho nga raw silang mahilig sa fashion at nasubaybayan nito ang estilo ni Jolina in terms of fashion.
Never makalilimutan ni Heart si Jolens sa isang fashion style nito na punung-puno ng clip sa kanyang hair.
Inamin ni Heart na malaki ang naitulong ng kanyang iniidolo sa fashion statement nito kaya ganun na lang ang pagiging fan nito sa kaibigan.
Sa kabila ng mga lumipas na taon ay makikita pa rin nga kay Jolina ang pagiging fashionista tulad ni Heart.
Wala mang pagkakataon na mag-bonding ang mag-friends, ‘di naman nila nalilimutan magkumustahan.
***
IISA lang lagi at consistent si Julia Barretto sa mga sagot nito sa panayam.
Isa talaga sa dream nito ay magkapamilya na.
She’s 24 years old na ngayon at gusto raw nito na sa dalawang taon ay mag-work nang husto.
After ‘pag 26 na siya eh dun na nga raw ito bubuo ng pamilya.
Kahit nun na wala pang pag-amin sa pagitan nina Gerald Anderson at Julia ay gusto na talaga magkapamilya ng dalaga.
Sa tanong nga kung sino ang gusto nitong makasama, matipid na sagot nito, ‘my partner’ na kailangan pa bang i-memorize ‘yan na si Gerald siyempre.
Well, well, well…’Yun na!