Advertisers

Advertisers

Janella game na magbalik-showbiz kahit busy sa pagiging mommy; Jeric, ang ‘Mr. Dreamboy’ ni Sheryl

0 347

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISANG buwan na rin naman halos ang nakalilipas mula nang bumalik ng bansa si Janella Salvador kasama ang kanyang bagong silang na anak at ama ng sanggol na si Markus Paterson.

Kasama sa agenda ng pagbabalik bansa ni Janella ang muling bumalik sa showbiz at ngayon nga ay naiinip na ang kanyang followers dahil wala pa silang malinaw na  balita sa susunod na proyekto ng kanilang idolo.



Aminado si Janella na miss na niya ang showbiz pero dahil sa bagong role sa totoong buhay, na isa na siyang nanay, inuuna ng aktres ang kanyang obligasyon bilang isang ina.

“This has been life for me recently. Wake up, change nappies, feed the bubba, try to go back to sleep, put cocomelon on tv, read some colorful books, burp the bubba, bathe the bubba, do a little house organizing, have friends and family visit. All that jazz and I’m not complaining.

“I’m excited to go and start working very soon but I’m enjoying every bit of being a hands-on mum. This is the happiest I’ve ever been,” say ni Janella.

Sa katanungan naman kung ano ang balak nila ni Markus para sa binyag ng kanilang anak, say ni Janella, pag lumuwag na raw ang restrictions sa lockdown ay binyagan blues na agad para kay Baby Jude.

***



KAHIT manahimik ang kampo nina Jeric Gonzales at Sheryl Cruz hinggil sa hindi mamatay-matay na isyung nagkakamabutihan na sila as in may lihim silang relasyon sa kabila ng agwat ng kanilang mga edad.

Mas hamak na bata si Jeric kaysa kay Sheryl. Nagsimula ang pagli-link sa dalawa nang magsama sa seryeng “Magkaagaw” at sa tila bigay na bigay na love scenes ng dalawa ay nabuo ang tsikang magdyowa na sina Jeric at Sheryl.

Reading between the lines sa mga panayam kay Jeric ay tila may inililihim nga ang dalawa. Nang matanong si Jeric kung ano ang preference niyang edad pagdating sa girl na makakarelasyon ay ‘di na siya nagdalawang-isip sabihin na mas feel niya ang babaeng mas may karanasan sa buhay as in matured woman.

At nang matanong naman siya sa tunay na relasyon nila ni Sheryl, say ng young hunk actor na special ito sa buhay niya at masaya siya sa kanilang samahan.

Sabagay pareho naman silang malaya kung sakali mang silang dalawa na nga ni Sheryl, kaya masasabi ba ni Jeric na siya na si “Mr . Dreamboy,” ang kantang pinasikat ni Sheryl?