Advertisers

Advertisers

KC pumalag nang tawaging beki ng netizen; Marvin binash sa reaksyon sa curfew

0 251

Advertisers

Ni ARCHI LIAO

NAGSIMULA nang ipatupad ang metrowide uniform curfew na napagkasunduan ng lahat ng mayors sa Metro Manila.

Anila, ito ay isang hakbang para makontrol ang pagdami ng kaso ng Covid-19 sa bansa.



Marami naman ang umalma sa curfew na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority lalo pa’t maraming negosyo ang apektado nito.

Hindi pa kasi nakababangon ang karamihan sa mga negosyong naapektuhan ng pandemya.

Dagdag pa rito, sabay naman ng pagpapatupad ng localized lockdowns sa ilang parte ng Metro Manila, nag-impose na rin ng liquor ban sa mga nabanggit na lugar.

Dahil dito, umalma si Marvin Agustin sa bagong patakaran ng Metro Manila Council.

Kaya naman, naglabas siya ng saloobin sa kanyang Instagram account.



Sey ni Marvin: “Nalilito ako may curfew sa gabi para daw makaiwas sa Covid 19, pero sa umaga ang daming tao sa labas. Ano ba ang virus? Nightshift.”

Nakakuha naman ng kakampi si Marvin sa netizens na nagsabing medyong kakatwa nga ang pagpapatupad ng curfew ng LGUs.

Na-bash din ang actor dahil nag-eemote lang daw ito dahil apektado ang kanyang negosyo.

May tumawag din sa kanyang bobo dahil alangan daw naman na ang curfew ay ipatupad sa umaga.

May iba namang nagpaliwanag kay Marvin na ginagawa iyon ng gobyerno para mabawasan ang risk sa possible exposure ng bagong variant ng virus at para malimitahan na rin ang movement ng mga tao sa kanilang non-essential na paggala, lalo na sa gabi.

***

HINDI pinalampas ni KC Concepcion ang pamba-bash sa kanya ng isang netizen na mega-react sa kanyang video na nag-a-apply siya ng lipstick sa sarili.

Bagama’t may bumilib sa pagiging hands-on ng anak ng Megastar sa pag-aayos sa sarili, may mga nang-okray din sa kanya kasama na ang nasabing netizen.

“Interrupting my Stay at Home content with one post of me on set – was so nervous to go back to working on location, thanks to the rise in cases in the Philippines, but the crew swabbed, wore masks and @sanivirsmoke ‘d the place because we all gotta stay safe and get that coin. Stay healthy everyone,” caption ng kanyang post.

Isa namang netizen na nagngangalang steponmelisa ang nagkomento na; “Parang drag queen.”

Hindi naman nagpaapekto si KC sa nasabing post at sa halip ay cool na sinagot ang nabanggit na basher.

“Lol drag queens are amazing,” resbak ni KC.

Marami naman ang humanga kay KC sa pag-handle ng kritisismo mula kay steponmelisa.