Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA recent exclusive interview kay Maja Salvador ng Pep.ph ay sinagot nito ang tanong sa kanya kung bakit hindi niya tinanggap ang alok ng ABS-CBN bilang kapalit sana ni Bea Alonzo sa teleseryeng iniwan nito na katambal si Richard Gutierrez.
Ayon kay Maja, tapos na raw kasi ang contract niya sa Kapamilya at nagkataong inalok siya ni Mr. Johnny Manahan na sumama sa gagawing show (ang tigbak na ring Sunday Noontime Live) at nakapag-yes na siya rito.
Malaki raw kasi ang ang utang na loob niya kay Manahan na kasama niya sa kanyang ups and downs. Kaya nagtanong daw siya sa management ng ABS kung paano raw ‘yun na hindi na siya sinagot.
Pero ngayon, kung wala pa raw kapalit si Bea ay willing ang actress-dancer na gawin ito. Well, siguro kaya sinasabi ito ni Maja ay dahil wala nang interes sa kanya ang dating mother network na nagpayaman sa kanya.
Saka meron siyang bagong show sa TV5 with Empoy Marquez.
***
Kahit May Sumabotahe Raw, JC Garcia Nakapag-Live Sa Pilot Episode Ng Solong TV Show
Nang maka-chat namin si JC Garcia sa araw mismo ng kanyang live sa first solo TV show sa ATC International Best TV na simulcast sa Daly City, California ng 9:00 PM at sa Pilipinas na mapapanood naman ng 1:00 PM Channel 31. Worried si JC dahil feeling niya ay nasabotahe siya ng kung sino o telephone company na wala naman siyang utang tapos pinutol ‘yung kanyang internet kabilang na ang landline, cellphone and TV service.
Eh, kinabukasan (March 13) na ‘yung show niya at hindi naman pwedeng hindi matuloy dahil marami na ang nag-aabang na fans and supporters nito.
Mabuti at to the rescue ang team ni JC sa ATC International na si Direk Tito Nel Talavera kaya laking pasasalamat ni JC at sa Itaas at naitawid ang unang episode ng kanyang programa na “JC Garcia Live” na habang sinusulat ang kolum ng inyong lingkod ay nasa 1.3K and counting na ang views ng nasabing episode.
At bongga, may pakontes si JC sa kanyang programa about old songs na mga sumikat noon. Kinakanta nila ito ng kanyang guest tapos kanilang pahuhulaan sa viewers at apat ang pwedeng manalo ng $25.00 (each) visa card.
At buong show ay dalawa lang ang nakasagot nang tama, sina Ms. Luz Betty ng Vallejo, California at mula San Jose, California na si Ms. Wilby Sarabia.
Touched si JC at kahit nasa Amerika na siya ay binati siya via video greeting ng Youtube Superstar at Youtuber of the Year na si Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, Darius Razon, at Bff na si Yolanda na former recording artist ng Vicor Music.
This Saturday (March 20) at 1PM ay abangan sa FB Page ng BEST TV31 ang second episode ng JC Garcia Live. May 1,190, 35 followers na ang BEST TV.
***
Number One Fan Ni Bea Alonzo Sa Ireland Na Si Ma. Victoria Latimer At Irish Hubby Na Si Mr. Alec Jetsetter
Meron din naman siyang ibang hinahangaan pero for Ma. Victoria Latimer of Ireland ay si Bea Alonzo talaga ang top star at tama naman siya dahil mula sa pagsali noon sa beauty pageant sa isang barangay sa Pasig ay malayo na ang narating ng career ng maganda at mahusay na actress.
Sobrang dami na rin ng mga investment nito na isa sa ina-admire ng mabait at very supportive naming viewer sa aming Vlog (under PPA Entertainment Network) na si Ma’am Maria Victoria.
Well, pagdating naman sa lifestyle ng aming said viewer ay noong walang pandemic ay madalas silang mag-travel ng Irish husband niyang si Mr. Alec sa buong Europe at minsan ay ang sister niya ang kanyang kasama sa kanyang mga trip abroad.
Yes, certified jetsetter ang hulog ng langit sa amin na si Ma’am Victoria kaya sobra namin din siyang tine-treasure. Full support ito sa aming digital show at number one siya sa nag-aayuda sa aming super chat.
Nami-miss na pala nito ang kanyang pamilya at kaanak sa Pilipinas pero once na maayos na ang sitwasyon at wala ng Covid ay magbabakasyon daw agad sila ng hubby na si Sir Alec. Mabuti na lang daw at nasa Ireland din ang sister ni Ma’am Ma. Victoria na si Ms. Ma. Theresa Beattie sa County Wexford kaya may ka-bonding siya tuwing nagkikita sila.