Advertisers

Advertisers

Pancho Magno saludo sa mga PSG

0 278

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PINAG-aralan ni Pancho Magno ang role niya bilang isang PSG (Presidential Security Group) o bantay ng Presidente ng Pilipinas sa First Yaya.

“Sobrang excited ako kapag ganitong roles, e. Like yung may physicality di ba sa dati sa Encantadia, maaksyon din, pero dito iba naman.



“Lahat kaming mga PSG dito sa show nag-training kami, nag-firing kami para alam namin ang proper way like paano hawakan ang baril and also yung positioning namin on how to protect the President kasi siyempre the President is the leader of the country kalangan talaga alam namin lahat, e.

“Hindi lang siya basta-basta, meron din siyang combat training pero alam din niya yung  kung saan yung puwedeng may possible danger, e sa President.

“So very interesting ang role, e.”

Mas lalo raw tumaas ang respeto ni Pancho sa mga PSG.

“Kasi yung training  nila, hindi lang sila  kailangan physically-trained, kailangan, matalino din, alam din nila kung paano mag-iisip kung sino man ang may plan to attack the President.



“Kaya I did my research, nanood ako ng movies so sana mapanood ng mga tao kung paano namin pinagbuti ang role namin dito sa First Yaya.”

Ang mga kasamahang PSG ni Pancho (bilang si Conrad) sa First Yaya ay sina Thia Thomalia (bilang si Val), Thou Reyes bilang si Yessey at si Kiel Rodriguez (bilang Paul).

Sa First Yaya ay gaganap si Sanya Lopez (bilang si Melody Reyes) na yaya o nanny ng mga anak ng Bise-Presidente na naging Presidente ng bansa na gagampanan naman ni Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta).

Gaganap naman sa nabanggit na teleserye si Joaquin/JD Domagoso bilang si Jonas na love interest ni Niña Acosta na gagampanan ni Cassy Legaspi.

Kasama rin nila dito sina Ms. Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita),  Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Patricia Coma (Nicole Acosta), at sina Analyn Barro (Gemrose), Jerick Dolormente (Lloyd), Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

Ang First Yaya ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen at napapanood Lunes hanggang Biyernes alas otso ng gabi sa GMA Telebabad.

***

MALA-fairy tale ang kilig na pinamalas nina Yasser Marta at Alex Diaz sa first part ng latest story na tampok sa My Fantastic Pag-ibig ng GTV noong Sabado!

Pinamagatang “Fairy Tail Romance,” kuwento ito tungkol sa pag-iibigan ng isang sireno at isang mortal. Si Alex ay gumanap bilang si Lantis, isang sireno, habang si Yasser si Nep, ang lalaking bumighani sa puso ng una.

Balita namin, talaga namang tinutukan ng viewers ang kakaibang pairing na ito sa TV. Request pa nga ng viewers, sana raw ay pahabain pa ito. “Nakakabitin naman, sana paabutin nalang hanggang episode 10,” komento ng isang netizen.

Marami rin ang pumuri sa mahusay na pagganap nina Yasser at Alex. “Eto ‘yung super rare na maipalabas sa Philippine TV eh, kudos sa team na lakas loob na gumawa nito. And they chose the perfect cast!” say ng isa pang netizen.

Abangan ang ikalawa at huling episode ng My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance sa Sabado, March 20, sa GTV.