Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PAGKATAPOS halos ng isang buwan at pag-amin sa tunay na relasyon nila ni Ellen Adarna, ayaw pa rin tantanan ng mga bashers si Derek.
Lalo pa ng mga followers ng loveteam nila ng dating girlfriend na si Andrea Torres. Karamihan sa mga basher ni Derek ay inaakusahan siyang hindi raw maganda ang ginawa sa dating girlfriend at napakadali raw magpalit ng gf na tila sinasabing iniwan niya talaga sa ere ang dalaga.
Kilalang palapatol si Derek sa mga netizen na sa palagay ng aktor ay sinisiraan lang siya kahit walang basehan pero ngayon ay tahimik siya sa mga akusasyon sa kanya.
“I used to rush to defend myself against false accusations but now I watch to see who believes it, so I know who to cut off first.
“Not making patol. This is how life should be in this toxic world. It’s sad that people focus on negativity to the point that it’s what makes them happy,” ani Derek.
***
TULAD ni Sophie Albert, from Kapatid Network ay sa GMA-7 sila lumipat ni Shaira Diaz nang magtanggal ng entertainment ang TV 5 noon.
Nagkaroon din ng lovelife noong parehong nasa TV 5 pa sila, si Shaira ay kay Edgar Allan Guzman samantalang co-winner niya sa artista search show ng TV 5 na si Vin Abrenica ang naging syota ni Sophie.
Ngayon ay isang full-pledged mother na nga si Sophie courtesy of Vin and engaged to be married na rin naman.
May plano na rin kaya sina Shaira at EA na sundan ang yapak nina Vin at Sophie, ang magtayo na rin ng sariling pamilya? “There’s no rush for us to settle down, kasi he knows marami pa kong goals sa buhay. I want to finish my college studies sana, gusto ko muna mag-ipon for my family. Ang maganda, we’re more open now about our personal plans,” say ni Shaira.