Advertisers

Advertisers

Malabo na kasi sa Dos… Maja nagtayo ng sariling talent management

0 343

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SINABI ni Gardo Versoza sa ilang press na gusto niyang makausap ang namayapang flight stewardess na si Christine Dacera para itanong kung sino ang nasa kabilang hotel room kung saan nga ito natagpuang  patay.

Sinasabing isang anak ng umano`y  mataas na government official ang nasa kabilang room ng hotel ng yumaong flight stewardess though wala nga kumpirmasyon tungkol dito.



Sana lang ay matukoy na kung may hindi magandang pangyayari na naganap sa pagkamatay ni Christine at kung wala naman ay dapat malaman na rin para sa lahat ng nasasangkot.

Samantala, tanong kay Gardo ay kung may nakatatakot siyang experience habang ginagawa ang pelikulang Biyernes Santo?

“May narinig ako na tumutugtog ng piano, actually maganda naman yung tugtog, puwede  mo pakinggan  hahang nagwi-wine until  may nabanggit na lang sakin na may nakakita doong tumutugtog  na taong  walang ulo!  Sayang nga hindi ko siya na-meet,” sagot ni Gardo.

***

SA Instagram page ni Maja Salvador last Tuesday, inanunsyo ng actress na may sarili na siyang talent management at una niyang artist ay ang sarili.



“Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I think the best for me now is to manage myself. At para magawa ko po successfully, I  put up Crown Artist Management Inc. kasama ang mga tao na malapit sa puso ko,” bungad na post ni Maja.

Nagpasalamat si Maja sa Star Magic na matagal niyang naging talent management at ang ABS-CBN na kanyang naging bahay mula nang pasukin ang showbiz.

“I`m  forever  grateful  for all the love I`ve been given  by my Star Magic  family and  the opportunities  I`ve  been blessed  with  working with  very talented  people  in the industry.

“Kung sino ako ngayon, I owe to them and ABS-CBN dahil sa kanilang paggabay  at pagtiwala sa aking kakayahan. Sa malaking hakbang na ito with my own management company sana tuloy-tuloy pa din po akong suportahan  in this journey of mine trying  to make other people`s dreams come true as well tulad na lang  ng pagtupad niya ng sarili kong pangarap. Maraming salamat po,” pahayag ni Maja.

Samantala, alanganin ang sagot ni Maja sa tanong kung may offer ba siya sa GMA 7. Hindi yes or no ang naging sagot niya kundi thankful siya at marami pa rin nagmamahal sa kanya.

Ang dating tuloy sa mga nakabasa ng sagot niya ay may offer nga siya sa Kapuso Network pero hindi lang nagkaroon ng pag-uusap. Ang tsika ay walang offer ang GMA 7 sa actress at nagulat na lang daw ang mga  bosses  ng  network kung bakit may kumalat  na kinukuha nila ang aktres.

Ang balita ay boyfriend daw ni Maja ang nakipag-usap sa GMA 7 pero dahil wala pa rin nga ang actress sa network at wala nang nangyaring usapan sa pagitan ng actress at network.

Sa ngayon ay nasa TV5 ang dalawang show ni Maja na prodyus ng Cignal at TV5 at lined produced ng Corner Stone at Spring Films.

***

Bubble Gang hahataw ngayong Friday

Hataw sa katatawanan ang handog ng Biubble Gang barkada sa pangunguna nina Michael V, Boy 2 Quizon, Paolo Contis, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Antonio Aquitania, Valeen Montenegro, Kim Domingo, Denice Barbacena atbp.

Kada gag segment ay sinisiguro ng BG barkada na bago at bukod sa matatawa ka ay may aral pa rin kapupulutan.

HIndi naman ikinaila ng Barkada na may nangyayari rin minsang tampuhan sa kanila pero kaagad din naaayos.

“Ganyan naman talaga ang nangyayari kahit sa mga pamilya na nagkakaroon ng tampuhan. Sila rin ay isang pamilya ang turingan kaya hindi rin naiiwasan ang magkatampuhan pero naaayos kaagad.”

Ngayong Friday at 10:20 pm ay muling masasaksihan ang mga kuwelang gag na handa ng BG barkada.