Advertisers

Advertisers

Covid cases sa Nuerva Ecija patuloy sa pagtaas

0 158

Advertisers

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga nahahawaan ng coronavirus disease sa Nueva Ecija.
Base sa datos na isinumite ng DOH-NE sa Inter-Agency Task Force (IATF) ng lalawigan, tumaas ang active COVID-19 cases sa probinsya na ngayon ay 125 mula sa dating bilang na 60.
May 22 active COVID-19 cases sa 1st district, 24 sa 2nd district, 54 sa 3rd district at 25 sa 4th district.
Nasa 116 na ang namatay sa virus.
Pinapaalalahanan ni Governor Oyie Umali, chairman ng NE-IATF, ang mga Novo Ecijano na ingatan ang sarili at sundin ang health protocols sa bawat lugar.
Ayon sa gobernador, huwag kalilimutan maghugas ng kamay, magsuot ng face mask at face shield at palaging isagawa ang physical distancing.