Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAGKAHALONG opinyon ang netizens tungkol sa romansang Maris Racal at Rico Blanco.
Knows naman na mahilig sa musika si Maris kaya expected ng netizens na hinahangaan lang nito ang singer-actor.
May mga comment si Maris sa socmed ni Rico kung kailan ba magla-live perform ang guwapong singer-actor.
May kumontra naman na netizens na tatay na lang daw ni Maris si Rico.
Pero may mga bagets na gusto ay older sa kanila.
May tumukso pa nga na netizens na bagay sila at hindi na naman daw bata si Maris at 23 habang si Rico ay 48 na.
Hindi rin nadidiktahan ang puso at kung sino ang gusto nito.
Hindi na nga raw kinukuwestyon ngayon ang age gap pagdating sa pag-ibig pero wala pa naman pag-amin kung nagkakagustuhan na sina Maris at Rico.
***
Enchong Dee tinuring na biyaya ang pagiging pari sa serye
ISANG malaking blessing para kay Enchong Dee ang makaganap na pari sa serye ng ABS-CBN.
Hindi nga lang daw basta pari si Enchong dito kundi markado ang kanyang role .
Kaya naman na-excite si Enchong sa Huwag Kang Mangamba. Isang sugo ang character na gagampanan ni Enchong para magpalaganap ng kabutihan sa lupa.
Dagdag pa ang pagbabahagi nito bilang pari sa serye na ipakalat ang mga banal na salita ng Diyos.
Kaya naman ganun na lang ang excitememt at kasiyahan ni Enchong nang i-offer sa kanya ang role na Father Sebastian.
Well, well, well…’Yun na!