Advertisers

Advertisers

Peyborit daw niya… Sheryl kinumpara si Jeric sa ulam na pochero

0 348

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA Youtube channel ni Sheryl Cruz na Ask Sheryl ay ikinumpara ng aktres ang Magkaagaw co-star niyang si Jeric Gonzales sa… pochero!

May tanungan portion kasi sa channel ni Sheryl na maski ano ay puwedeng itanong sa kanya ng mga fans at isa na rito ay nagtanong na kung ihahalintulad niya si Jeric sa ulam ay ano ito?



“Kung ulam si Jeric, isa siyang pochero.

“Paborito ko yun. Kumpletos rekados iyon.

“May sabaw, manamis-namis, puwedeng maanghang, puwedeng hindi maanghang.

“Maraming gulay. Meron din siyang mga meat, so lahat siya.

“Kumpletong rekados nga. So, iyon si Jeric.”



Paborito ni Sheryl ang pochero na karne at gulay at saging na saba na magkahalong tamis, alat at asim ang lasa.

Paiwas naman ang sagot ni Sheryl sa tanong kung may tsansa ba na maging sila ni Jeric.

“Abangan. Pero alam naman natin doon sa Magkaagaw si Veron at si Jio Almonte, talagang silang dalawa,” pagtukoy ni Sheryl  sa mga karakter nila ni Jeric sa kanilang GMA teleserye.

Sinabi naman ni Sheryl na posible, kung darating ang tamang lalaki para sa kanya, nang may nagtanong kung nais ba ni Sheryl na muling ikasal.

“That depends… kung makikilala ko pa yung tao na para sa akin.

“I know that life is short and people usually are better having somebody who they can rely on and it’s the same for me.

“I would like somebody that I can depend on, that I can rely on.

“That I can be supportive to and who could be supportive of me.

“And I really don’t know. Kung pagbibigyan ako ulit ng pagkakataon, bakit naman hindi?

“Everybody would like to have a family and that feeling of belonging to.

“If I’m given a chance someday, I really don’t know when. But in God’s time, kung gusto pa niya.”

***

NGAYONG Sabado sa Magpakailanman, panoorin ang totoong kuwento ni Elaine, isang misis na nakatuklas na bukod sa kanya ay may apat pang babae na kinakasama ang kanyang mister.

Itinatampok sa nabanggit na episode sina Jay Manalo, Rochelle Pa­ngilinan, Ina Feleo, Barbara Miguel, Will Ashley, Kyle Ocampo, Ana Capri, Stephanie Sol at Winwyn Marquez.

Ang kasal ay isa sa mga pinakamasayang araw ng isang babae ngunit paano kung malaman ni misis na hindi lang pala siya ang pinangakuan ng kasal ng kanyang mister kundi may apat pang iba?!

Matagal na pinaglaban ni Elaine si Joseph sa kanyang pamilya kaya labis na lamang ang kanyang saya nang payagan siya ng kanyang mga magulang na maikasal dito. Subalit bago ang kasal, nadiskubre ni Elaine na una na palang pinakasalan ni Joseph si Madel. Kahit na may anak na si Elaine kay Joseph ay mas pinili niya na makipaghiwalay  dito dahil sa mata ng mga tao, walang bisa ang kanyang kasal kay Joseph.

Pinalaki ni Elaine nang mag-isa si Jennifer, ang anak niya kay Joseph. Nang magdalaga na si Jennifer, pinakilala nito ang kanyang manliligaw kay Elaine. Agad na pinutol ni Elaine ang pakikipagrelasyon ni Jennifer dahil nalaman niya na ang lalakeng nagugustuhan ng kanyang anak ay sariling kapatid nito, si Joseph Jr., na anak naman ni Joseph kay Madel.

Mula sa mahusay na direksyon ni Laurice Guillen, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.

***

BREAK muna sa pagpapakilig sina Kim de Leon at Lexi Gonzales dahil ngayong Linggo (March 21) ay sasabak ang dalawang Kapuso teen stars sa pagsagot sa ilang trivia questions na patok na all-original GTV game show na Game of the Gens (GOTG).

Makakasama ni Lexi ang amang si Jonathan Gonzales habang kasama naman ni Kim ang kanyang mommy na si Gloria de Leon. Sino kaya sa dalawang pares ang magwawagi?

Hosted by Sef Cadayona, Andre Paras, at Gen Dolls, G na G ang tawanan at tiyak na kapupulutan pa ng aral ang episode ng Game of the Gens ngayong Linggo, 8:30pm, sa GTV.