Advertisers
NASAWI ang isang pulis nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa konkretong poste sa bayan ng Quezon, Isabela, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Cpl. Saveric Tagao, 30 anyos, nakatalagang patroller ng Mallig Police Station.
Ayon kay Police Maj. Roberto Valiente, hepe ng Quezon Police Sation, patungong hilagang direksyon ang pulis sakay ng kaniyang motorsiklo nang sumalpok ito sa isang kilometer post sa gilid ng kalsada sa Brgy. Alunan.
Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang pulis na nagtamo ng malalang pinsala sa ulo at naging dahilan ng agaran niyang pagkamatay.
Tinitingnang dahilan ng aksidente ang kawalan ng ilaw sa lugar.