Rocco nabitin ang pagiging ama, misis type pang karirin ang vollyball; Tom tumatayming sa marriage proposal kay Carla
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ANIM na taon nang magdyowa sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, sabi nga ng mga supporters ng dalawa ay kasal o pormalidad na lang talaga ang kulang sa kanilang relasyon. Dumating pa nga sa nagsama ang dalawa nang abutan ng lockdown si Carla habang kasama si Tom. Naging masaya at maayos naman ang kanilang samahan.
Open din ang dalawa sa pagsasabing nakita na nila ang gusto nilang makasama sa habang buhay, as in soulmates nga na maituturing nina Carla at Tom ang isa’t isa.
Hindi na rin bago sa kanila ang usapang pagpapakasal. Napag-uusapan na raw nila ito at maging si Tom ay may ideya na kung paano niya ipo-propose ng kasal si Cara
“I would love to share it with people we love. I think that is the most meaningful, instead of like trying to go for the flare,” say ni Tom.
Handang-handa na pala si Tom na alukin ng kasal ang gf pero kailan naman kaya niya ito binabalak gawin?
“We never know. Like I said, when we’re ready. You never know, if it already happened or not,” patuloy pa ni Tom.
***
BAGO pa man ikasal sina Rocco Nacino at Melissa Gohing nitong Enero 21, 2021 ay napag-usapan na nila kung saan sila titira at ilang anak ang plano nilang buuin.
Natapos na ang mansion na pinatayo ni Rocco at nairaos na ang kanilang kasal kasunod na dapat ang mga babies nila. Pero tila babies can wait sa drama ni Melissa dahil sa siya na mismo ang nagsabing hindi pa niya feel na magbuntis at may nais pa siyang gawin na magiging hadlang daw ang kanyang pagbubuntis.
Gusto ng misis ni Rocco na sulitin muna ang pagiging professional volleyball player ng bansa. Nais na muna niyang maglaro at makipagkumpetensiya sa mga kalabang volleyball team dito sa loob at labas ng bansa.
Ano naman kaya ang say ni Rocco sa nais ng asawa at mauudlot pansamantala ang kanyang pagiging isang ama?
“Ang sa akin naman, ayoko lang ng may regrets. ‘Sayang naman, hindi ako nakapag-volleyball.’ I want to give her that also. Kapag talagang sawa na siya sa volleyball and she feels na sapat na ‘yung nabigay niya to the sport, doon na kami magbabalak,” say ng Kapuso actor.