Advertisers

Advertisers

Valeen proud at ‘di insekyur sa maliit na boobs; Angel umalma muli kay Digong

0 410

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kasagsagan ng naging pahayag ng Pangulong Duterte na huwag mabahala ang mga Pinoy sa Covid-19 dahil maliit na bagay lamang ito, hindi napigilan ni Angel Locsin na maglabas ng kanyang saloobin.

Sa kanyang Instagram stories, nagbigay siya ng reaksyon sa naging pahayag ni Digong sa huling speech nito sa weekly cabinet meeting.



Ito kasi ang naging teksto ng pahayag ni PRRD: “Do not despair. Kaya natin ito COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo… Lahat kayo ‘wag kayong matakot.”

Ito naman ang naging buwelta ni Angel: “Maliit na bagay? Baka po sa inyo, Sir. Para sa amin po kasi malaki. Malaking utang. Malaking taas ng cases. Malaking human rights violations.”

Bagama’t nakakuha ng mga kakampi si Angel sa social media, marami rin namang bumatikos sa kanya.

Si Angel ay vocal na kritiko ng administrasyon.

Katunayan, dahil sa kanyang pagiging palaban, minsan na siyang na-red tag na umanoý miyembro ng makakaliwang grupo na nag-aaklas sa gobyerno na mariin naman niyang pinabulaanan.



Kamakailan lang, kinagiliwan ng netizens ang kanyang cute Tiktok video na binati niya  ang kanyang fiancé na si Neil Arce.

Sey pa niya, si Neil lamang ang taong lagi niyang mami-miss araw-araw.

Noong nakaraang buwan naman, nagkaroon ng rebelasyon ang aktres na dumaan siya sa depresyon.

Si Angel ang isa sa mga unang Kapamilya na nagpahayag ng suporta sa renewal ng prangkisa ng Dos na eventually ay na-deny ng Kongreso.

***

HINDI ikinaila ni  Valeen Montenegro na ilang beses na siyang naba-bash sa kanyang itsura.

Isiniwalat niya ito nang mag-guest siya sa “Mars Pa More” na sinagot niya ang isyung ibinabato sa kanya ng bashers.

May mga detractors kasi siyang nagsasabing flat chested siya o walang boobs.

“Shout out nga pala sa mahihilig mag-judge at sabihin na ako ay flat [chested] or nakatalikod. Sana ay mas malaki na lang yung boobs para mas perfect, mas feminine tingnan. Yun ang lagi nilang sinasabi,” ani Valeen.

Gayunpaman, sa kabila raw ng mga bashing na natatanggap, proud daw siya kung anuman ang ibinigay sa kanya ng Diyos na  aniyaý hindi produkto ng siyensiya.

“But for the record—actually, parang first time ko itong sasabihin sa TV—I’m very confident with my babies. I love them how they are. Kasi hindi siya hindrance. I’m not saying naman for other people that have bigger boobies than me are nahihirapan. Pero I love the way they are and I’m not at all insecure about them. As in, I’m so confident and I’m so blessed to have these,” paliwanag niya.

Dati nang naging kontrobersyal si Valeen nang nagkaroon ng alingasngas na nanghiram umano siya ng pera kay Alden Richards para bayaran ang kanyang renta sa condominium unit.