Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DAHIL sa bagong sistema ng siwasyon ngayon ay aminado ang Celebrity couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz na never na silang nagkikita.
Lalo na’t tumaas na naman ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Kaya naman ang magdyowa ay lagi rin may work or lock in taping.
Gustuhin man nila dalasan ang pagkikita ay malabo dahil nga sa pandemya.
Kahit hindi nagkikita ay nadadalas naman ang kanilang pagbi-video call kaya feeling magkasama pa rin sila.
May text at chat para tuloy lang ang komunikasyon ng dalawa pero ayon sa aktres na sa video call sila madalas ng bf.
Ayon nga kay Janine eh tiis-tiis muna sila na na never pang nagkikita lalo ngayon na magkaiba na sila ng network.
Buti na nga lang daw at parehong busy sa work ang dalawa.
***
SA mga pakikipagtsikahan ni Bea Alonzo tru online kina Ian Veneracion at Ethel Booba ay never man lang nabanggit ang real status ng kanyang lovelife.
Kahit naman si Dominic Roque ay wala pa rin pahiwatig na sila na nga ng aktres.
Kaya naman ang netizens na nakasubaybay sa kanilang lovelife ay atat na malaman ang real score sa dalawa.
Minsan daw nag-post si Dom at ini-heart naman ng kanyang manager at sa isang post pic ay magkasama sila ni Bea sa Amanpulo.
Takam at excited na malaman ng netizens lalo na ang kanilang followers kung sila na ba.
Ganun na lang kaatat ang netizens na malaman ang tunay na estado ng dalawa hinggil sa tibok ng kanilang puso.
Well, well, well…’Yun na!