Advertisers

Advertisers

Janine dinenay na hiwalay na kay Rayver; Valeen kulang sa boobs, bumawi sa puwet

0 344

Advertisers

 Ni WALLY ERALTA

TSIKANG hindi na raw maganda ang nagiging takbo ng relasyon ngayon nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Nagsimulang magkalabuan daw ang dalawa nang pinasya ni Janine na mag-ober da bakod sa kabilang istasyon, at sa pangayayring ito ay tila nawalan na raw ng oras ang dalawa sa bawat isa.

Hindi tulad noong nasa GMA 7 pa si Janine, saglit lang ay magkasama na sila dahil sa alam naman nila ang schedule at kadalasan ay malapit din lang sila sa venue ng kanilang mga project, noong silang dalawa ay Kapuso pa.



Ngayon ay tila naging abala ang dalawa sa kanya-kanyang schedule at di na rin sila nagkikita at nagkakausap nang madalas. Kung mag-usap man ay sa pamamagitan na lang ng internet.

Para na nga raw Long Distance Relationship o LDR meron ang dalawa kahit pa malapit lang naman talaga sila sa isa’t isa.

Diretsahan naman sinagot ito ni Janine sa pagsasabing very much strong ang kanilang relasyon ni Rayver, pero hindi na nga lang tulad ng dati. Sa ngayon daw ay bihira na silang magkasama physically.

“Medyo kakaiba ang sitwasyon dahil puro lock-in,  di ba? At saka siyempre quarantine kaya hindi masyadong nagkikita. So ano muna video call-video call, text-text,” ani Janine.

Kung abala si Rayver Cruz sa taping ng bagong teleserye nila ni Glaiza de Castro na “Nagbabagang Luha” at sa Sunday Musical Variety show ng GMA-7 na “All Out Sunday” ay abala rin si Janine sa promo ng bago niyang movie with JC Santos, ang “Dito at Doon,” sa “ASAP Natin ‘To” at sa sisimulan na niyang bagong teleserye sa ABS-CBN.



***

TILA manhid na at wala nang datingan pa kay Valeen Montenegro kung paulit-ulit man siyang i-bash na flat chested at ‘parang nakatalikod’ kahit nakaharap.

Aminado talaga si Valeen na hindi siya tulad ng ibang kababaihan na may pinagpalang hinaharap at siya ay may maliit na dibdib lamang.

“Shoutout nga pala sa mga mahilig mag-judge at sabihin na ako ay ‘flat’ or ‘nakatalikod.’ Sana ay mas malaki na lang ‘yung boobs para mas perfect, para mas feminine tingnan.’ ‘Yun ‘yung lagi nilang sinasabi,” saad ni Valeen.

At para naman kay Valeen tanggap na niya kung anuman mayron siya ngayon at katunayan pa nga ay hindi na siya humingi ng tulong sa sensiya para mapalaki ang kanyang boobs.

“I’m very confident with my ‘babies.’ I love them how they are. Kasi hindi siya hindrance. I mean I’m not saying naman for other people that have bigger boobies than me or nahihirapan, pero I love the way they are and I’m not at all insecure about them,” dagdag pa ni Valeen.

Kahit naman daw hindi kagandahan ang views sa kanyang harapan ay nagpapasalamat pa rin si Valeen sa magandang back view niya. Bumawi raw ang kanyang likuran sa kakulangan ng kanyang  harapan.

Sa ngayon ay bising-bisi pa rin si Valeen sa regular comedy show niya sa GMA-7,  ang “Bubbe Gang” at sa bagong teleseryeng gagawin na makakasama niya sina Derek Ramsay, Carla Abellana, Max Collins at Roi Vinzon, ang “To Have and To Hold” ng Kapuso Network.