Advertisers
Ni BKC
INIHAYAG na ng ilang taon na ring magkasintahan na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na engaged na sila.
Ang surpresang wedding proposal ni Tom kay Carla ay naganap noong Oktubre pa nang nakalipas na taon.
Pero wala pa namang ibinigay na detalye ang dalawa kung kailan ang kanilang kasal.
Sa kani-kanilang Instagram, masaya at proud na pinost ng dalawa ang kanilang larawan habang pinapakita ang engagement ring.
Naghintay lang daw ng tamang panahon ang celebrity couple bago tuluyang ilantad ang kanilang engagement at para sa kanila ay dumating na ito.
Sina Carla at Tom ay nagsasama na sa iisang bubong simula nang magkaroon ng lockdown dahil sa pandemya last year. Anila, mas nasubukan nila ang tatag ng kanilang relasyon nang magkasama na sila sa bahay.
Ilang mga kapwa nila artista ang nagpaabot ng pagbati kina Carla at Tom sa kanilang engagement.