Advertisers

Advertisers

Sen. Pacquiao pinaatras sa pagtakbong Presidente?; Gabby swerte sa mga batang kapareha

0 283

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

AYON sa source ay hindi na raw tatakbo si Senator Manny Pacquiao sa Presidential election sa susunod na taon. Kung hindi magbabago ang lahat ay mauudlot sana ang pagiging First Lady ng bansa ni Jinkee Pacquiao.

May kumausap umano sa Pambansang Kamao na huwag nang tumakbo sa pagka-Presidente at itago na lang ang kanyang pera.



Sa interview kay Senator Manny ay lagi nitong sinasabi na ang pagiging Pangulo ay isang destiny.

“Ang pagiging Presidente ay destiny na kaloob ng  Panginoon.  Marami na ang nangarap  pero marami na rin ang nabigo, ngunit  ang hangad ko sa susunod na magiging  presidente  ay may tunay na malasakit  at  tunay  na pagmamahal  sa mamamayang  Pilipino.

“Tigilan na natin ang kulay pulitika. Wala nang dilaw, wala nang orange o anuman ang kulay mo. Maawa naman tayo sa sambayanang Pilipino,” pahayag ni Senator Manny sa isang video message  na kumalat sa social media.

Sa totoo lang ay last year pa maingay na ang balita na tatakbong Pangulo ang Pambansang Kamao at lalo pa itong umingay nang punahin nito ang mga poster ni Mayor Sara Duterte sa iba`t ibang lugar sa bansa.

Pinatotohanan naman ni Senator Lacson na tatakbo ngang Pangulo si Manny. Kinausap pa nga raw siya nito para humingi ng payo sa kanyang pagtakbong Presidente.



Ayon pa kay Senator Lacson, wala naman masama kung gusto ni Manny tumakbo dahil lahat naman ng tao ay may karapatan basta may kakayahan ito na maglingkod.

Well, year 2022 pa ang election at doon na malalaman kung sino ba talaga ang may balak tumakbo.

***

MASUWERTE si Gabby Concepcion kung pag-uusapan ang showbiz career dahil siya na lang sa mga ka-batch niya sa showbiz industry ang active at nananatiling leading man.

Ang iba kasing nakasabay ni Gabby ay kung hindi retired na sa showbiz ay pinasok na ang politics, business o kahit kontrabda or magulang sa isang proyekto sa TV or pelikula.

Isa pa sa magandang kapalaran sa showbiz ni Gabby ay itinatambal pa siya sa mga young at fresh actress, tulad nina Carla Abellana, Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Jennylyn Mercado at ngayon ay si Sanya Lopez para sa teleseryeng First Yaya.

Hindi naman naitago ni Gabo ang kasiyahan dahil kahit sa panahon ng pandemic ay mayroon pa rin siyang project na natatanggap. Sa tagal nga raw nasa farm siya sa Batangas ay sobrang na-miss niya makasalamuha o makasama ang mga baguhang artista.