Advertisers

Advertisers

JD nilinaw, ‘di tatakbong presidente ang erpat na si Yorme Isko

0 231

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

“BASTA ako, mas pogi ako,” bulalas na pagbibiro ni Joaquin o JD Domagoso bilang sagot sa mga nagkukumpara sa kanila ng tatay niyang si Manila Mayor Isko Moreno o Francisco Domagoso.

“Joke lang,” bawi ni JD sa sinabi niyang mas guwapo siya sa tatay niya.



“Okay lang naman sa akin na ma-compare ako sa tatay ko kasi given naman yun na mako-compare kami.

“Pero that’s not my focus naman, e.

“That’s what he wanted to do when he was a kid and ako naman gusto ko ring maging artista.

“So hindi ko naman kino-compare yung mga, parang, achievements niya sa akin kasi  we all have different phases, ganun, and different experiences po,” seryosong sinabi pa ni JD.

Sa First Yaya ng GMA ay gumaganap si JD bilang si Jonas na love interest ni Niña Acosta na ginagampanan naman ni Cassy Legaspi.



Ang First Yaya ay si Sanya Lopez (bilang si Melody Reyes) na yaya o nanny ng mga anak ng Bise-Presidente na naging Presidente ng bansa na ginagampanan ni Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta).

Kagulat-gulat naman na ayaw pala ni JD na maging “first son,” matunog ang pangalan ni Isko na isa sa mga tatakbo umano bilang Pangulo  sa eleksyon sa isang taon.

Pero sa tanong kay JD kung nakikita ba niya ang sarili niya na titira balang-araw sa Malacanang Palace na opisyal na residente ng nakaupong lider ng bansa, ayaw raw ng nakababatang Domagoso.

“Sana po hindi, sana po hindi!

“Sa akin, ayoko talaga, ayoko talaga.”

Bakit ayaw niya?

“Wala, parang… baka  umiba na yung tingin ng tao sa akin.

“Or magiging mahirap ang buhay, e.

“May bodyguard ka na lagi.  E di papaano yun, papaano ka makaka-enjoy ng buhay? Tsaka delikado.”

Alam ba ng ama niya ang opinyon niyang ito?

“Hindi, opinyon ng dad ko, ayaw niya namang magtakbo bilang Presidente, e.

“Hanggang mayor lang po siya,” pahayag pa ni JD.

Samantala, napapanood sa GMA  Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi, ang First Yaya.

Bukod kina Sanya, Gabby, Cassy at JD ay kasama rin nila rito sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.   Ito ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

***

MARAMI ang napahanga sa determinasyon ng isang delivery rider na gold medalist para-athlete din pala. Alamin ang kanyang kuwento kasama sina “On Record” hosts Oscar Oida at Mav Gonzales.

Sa railing ng EDSA-Ortigas flyover naman, napadaan ang dalawang delivery rider at may nakita silang binatang nakatayo na tila may iniisip na gawin. Makukumbinsi kaya nila ang binata na huwag ituloy ang kanyang balak?

Inspirasyon din ang hatid ng isang delivery rider na nakuhanan ng litrato habang pinagsasabay ang kanyang trabaho at pag-aaral.

Abangan ang iba’t ibang kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa “On Record” ngayong Martes, 11:30 PM, pagkatapos ng Saksi sa GMA.