Advertisers
Ni JOVI LLOZA
FINALLY, tapos na nga ang comeback movie ni John Lloyd Cruz na Servando Magdamag.
Kumpirmado na wala na si John Lloyd sa location ahooting ng pelikula sa Sorsogon.
Ayon sa sitsit, lumalabas lang daw ohn Lloyd pag siya na ang may take.
Na-miss nga ng mga empleyado si John Lloyd.
Kapag kasi may courtesy call ang lokal na pamahalaan ay hindi nakakasipot si John Lloyd.
Dahilan naman ng kampo ni Lloydie eh maysakit daw ito. True nga raw na nagkaroon ito ng sakit sa shooting ng Servando Magdamag.
Ngayong tapos na ang film na nagawa ni Lloydie eh relax naman ngayon ang peg nito.
Kaya naman inaasahan na aabangan ng netizens ang pagbabalik limelight ni John Lloyd.
Kakaiba nga raw ang look dito ni Lloydie, as in nagpakalbo ito para makatotohanan ang kanyang pagganap.
***
HINDI natuloy sina Maja Salvador at bf na si Rambo Nuñez sa itinayong talent management.
Nasa Viva na ngayon si Andre Ylanna, ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na sila dapat ang magma-manage ng career.
Pero ‘di man natuloy si Andre eh may isang malaking bituin daw na ima-manage ang couple.
Wala namang pagsiwalat kung sino ba itong big star na kanilang hahawakan.
Pero sa dating panayam sa mahusay na aktor ay sinabi nito na sina Maja at Rambo na ang magma-manage ng career nito na mismong si Lloydie na ang nagbuking kay Maja.
Hindi na nga ang dati nitong home network na Kapamilya Network ang mamamahala ng karera ni Lloydie kundi ang production na nina Maja at Rambo.
Well, well, well…’Yun na!