Advertisers

Advertisers

Pagod na manahimik… Kris pumiyok na sa bashers ng mga anak sa video

0 302

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MAY pangako noon si Kris Aquino sa kanyang followers na may isisiwalat siya sa kanyang social media account noong nakaraang linggo.

Pero bago pa man niya ibunyag kung anuman ang isyu niyang tutumbukin, sinabi niya na willing siyang magsalita tungkol sa katotohanan subalit minabuti niya munang manahimik hanggang handa na siya.



For the meantime daw, ishu-shutdown muna niya ang social media platforms niya para  hindi na maulit ang pagkakamali niya sa naging approach niya sa kanyang bashers.

Noong Linggo, finally ay natuloy na ang kanyang mga pasabog sa kanyang tell-all video.

Dito, sinagot niya ang mga isyung ibinabato sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Nauna na rito, may mga malisyosong trolls na nagkalat na nakabuntis ang kanyang panganay na si Joshua samantalang ang kanyang bunsong si Bimby ay ayaw tantanan ng ‘gay issue’ng kanyang detractors.

“My family was always expected to take the high road. My siblings? Kayang kaya nila yun, but as I have admitted to all of you, ako yung ibang Aquino. Plus, I’m a solo parent. Nanay ako na binabalahura na ang mga anak. Sinubukan ko to shut up para wag na ‘tong humaba, but shutting up caused me even more stress,” aniya.



Rumesbak din siya sa mga isyung ikinukulapol sa mga anak.

“In just one week, OA sa pagka-malicious ang pag-target sa panganay at sa bunso ko. Inisip siguro, kung mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla yun bunso, titiklop na yung nanay,” pahayag niya.

Sey ni Kris, sa ngayon, nananahimik daw si Josh at happy sa hometown niya sa Tarlac.

“He is not there para mag-establish ako ng presence in the same province where my father and my brother started their public service journeys. Pero kahit walang pangalan, walang picture, walang detalye. Naglabas ng video sa YouTube na merong nabuntis si Kuya Josh,” hirit niya.

Paglilinaw din niya, wala raw political agenda ang pamamalagi ni Josh sa Tarlac.

Nagsalita rin siya tungkol sa ‘gay issue’ kay Bimby.

“Now my bunso, si Bimb. Bullying a 13-year old dahil sa tingin ninyo, o tingin nila, na bakla siya, utang na loob naman. This is 2021. We are living in 2021.

“Bimb is tall, he is good-looking, he is well-educated, he is intelligent. First honor siya diba? He is articulate, respectful, hindi siya pala-mura, and he happens to be very mature,” sambit niya.13 years old lang siya, nakakahiya mang aminin pero siya ang gumagawa ng lahat ng paraan para lang gumaan yun mga problema ko at para mapaligaya niya ako,” dugtong niya.

Sa huling bahagi ng video, inesplika niya kung bakit napilitan siyang magsalita.

“Pero pinagod niyo na ako, napagod na akong magpaapak,” ani Kris.