Biktima ng sexual harassment… Marion na-trauma sa pagmamanyak ng driver sa shooting ng ‘Revirginized’ sa Subic
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
NANG maka-chat namin nitong Martes ang dearest Mom ni Marion Aunor na si Ma’am Maribel Aunor, I feel sad to hear na na-take advantage ng pervert driver ang kanyang daughter during the shoot of their film na “Reverginized” na comeback movie ni Sharon Cuneta.
Happy na raw sana si Marion na alaga ng Viva Artists Agency at nakasama nga nito ang Megastar na si Sharon Cuneta na naging mabait at supportive sa kanya during their shooting sa Subic.
Wala ring masabi si Marion sa mahusay nilang young blockbuster director na si Darryl Yap dahil maganda rin ang treatment sa kanilang lahat. Pero ang inirereklamo raw ni Marion ayon pa kay Ma’am Maribel ay ‘yung ginawa sa kanya ng driver ng Viva na naturingang tatay-tatayan nila sa set pero binastos siya at nag-take advantage ito sa kanya sa shoot nila sa Subic.
Ganito raw ‘yung nangyari, may isang scene na kailangang mag-drive ng van si Marion, kaso manual ‘yung van so nagpaturo siya sa nasabing driver dahil automatic transmission ang car niya. Nung una ay okay pa ‘yung may edad ng driver na tatay-tatay nga nila sa set. Pero nung second time na kukunan ang eksena nawala na ang boundaries ng driver na ito, at nandyang masagi-sagi ang legs ni Marion.
Inayus-ayos pa nito kunwari ang upuan para makatsantsing talaga sa dalaga. Magtuturo siya (driver) sa kambyo na siya pa mismo ang gagawa samantalang nakatayo siya sa labas ng naturang van at si Marion sa driver’s seat.
Very obvious na sinadya ito ng matandang driver para magawa niya ang gusto niya kay Marion. Kaya dahil sa pangyayari masama ang loob at mangiyak-ngiyak ito sa galit sa driver na nung una ay nirerespeto pa naman daw nila.
Pero dahil propesyonal na artista ay hindi na lang kumibo at tinuloy pa rin ang eksena. Dahil sa hindi magandang experience ay nagka-trauma si Marion pero unti-unti na raw na nakaka-recover. Nakarating sa big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario ang bad experience ni Marion kaya kinausap siya ni Boss Vic sa set at nangako ito na kanyang paiimbestigahan ang pangyayari.
Hindi mapigilan ni Marion na mapaiyak kay Boss Vic habang kausap niya. At ramdan ng dalaga at ni Ma’am Maribel na may concern sila. Kahit paano ay napanatag ang loob ni Ma’am Maribel at awang-awa talaga ito sa sinapit ng anak. “Nakakagigil kasi talaga. Ni wala akong magawa kasi wala naman ako doon dahil bawal nga ang companion kasi lock-in sila sa set na sila-sila lang. Kaya sana magawan o mabigyan naman ng justice ‘yung nangyari kay Marion.
“Naawa talaga ako sa bata. Baka sakali maaksiyonan na nila ‘yung driver na ‘yon na matagal na yatang nagwo-work sa Viva,” pahayag pa ni Ma’am Maribel sa aming huling chat.
Nagpaabot din ng simpatiya sa pamamagitan ng text kay Marion si Sharon Cuneta at galit din ito at makakarinig din daw talaga sa kanya ang production. Matino at disenteng babae si Marion na marunong rumespeto sa matatanda kaya hindi nito deserve na bastusin ng driver. Kaya dapat gawan ito ng action ng Viva at VAA para wala nang mabiktima pa ang taong ito na maliliit na artista na kayang-kaya niyang manyakin.
***
Bea Alonzo May Loyal Fan Sa Ireland Na Nagwi-wish Na Matagpuan Na Ang Special Someone
Isa sa very supportive sa aming solo vlog under my own Youtube channel na PPA Entertainment Newtwork si Ma. Victoria Latimer ng Ireland. Since mag-start si Ma. Victoria manood ng aming vlog especially kapag may news kami about her favorite star Bea Alonzo ay regular siyang nakatutok sa aming digital show na thankful kami at nagugustuhan hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad.
At dahil loyal fan ni Bea si Ma. Victoria, lahat ng wish nito para sa actress ay maganda like gusto nito na makatagpo na sana ang idol niya ng special someone na hindi na siya paiiyakin at lolokohin. Ayaw magbitaw ng bad words ni Ma. Victoria pero natutuwa ito at vindicated si Bea sa issue nila ni Gerald Anderson.
Looking forward ang new-found friend namin from Ireland na magtuluy-tuloy ang magandang career ni Bea at dapat lang daw na i-blessed ang dalaga dahil sa mabait ito sa kanyang pamilya. Basta siya forever Bea at supportive siya sa lahat ng projects nito.