Advertisers

Advertisers

‘Di lang pala si Erich… Sophie buking, may nakaraan din kay Derek, sey mo Vin?; Liza awa na sa paghihirap ng Pinoy

0 318

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MULING nagbigay ng sentimyento si Liza Soberano sa panibagong lockdown na ipinatutupad ngayon ng pamahalaan.

Ayon kay Liza na sa muling paglobo ng Covid-19 sa NCR at ilang karatig-probinsiya ay nangangamba ang aktres na balik na naman sa kahirapan ang Pinoy.



At dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay muli ngang nagpatupad ng GCQ.

Simula na naman nga raw na mahihirapan ang mga Pinoy sa kani-kanilang trabaho pag ganito ang sitwasyon.

Sa tweet ng aktres eh madali lang naman at carry sana ng mga Pinoy na mag-stay home kung may naka-ready raw na pagkain sa hapag-kainan at may pambayad ng mga bills.

Kaya nakadama ng awa si Liza sa mga naghihirap na Pinoy kaya hindi maialis ng aktres na ikumpara ang Pinas sa Tate.

***



SI Sophie Albert ang nabanggit na namesung na na-link din kay Derek Ramsay.

Sa vlog nga nina Sophie at mister na si Vin Abrenica ay ‘di na naitago ng huli ang selos kay Derek.

Dahil kahit ang kanyang dyowa na si Sophie eh na-link din pala sa aktor.

After nga maiugnay si Erich Gonzales kay Derek, eto ngayon at si Sophie naman daw ay may nakaraan din sa hunk actor na dyowa ngayon ni Ellen Adarna.

Pero may rebelasyon si Sophie na may isang aktres na ikinaloka nito at ayaw na nitong pangalanan pa.

Nahuli nga raw minsan ni Sophie na kateksan ito ni Derek at baby pa ang kanilang tawagan.

Kaya umaasa ang netizens na baka nga raw may ilan pang lilitaw na nakarelasyon din ni Derek bukod kina Erich at Sophie.

Ano naman kaya ang say rito ni Ellen?

Well, well, well…’Yun na!