Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI na bago para sa komedyante at talent manager na si Ogie Diaz na tumuligsa at pumuna ng mga ginagawa na umano’y kamalian ng gobyerno.
Sa kanyang post noong March 19, kinuwestiyon nito kung may bakuna ba talaga o wala. Dahil na rin sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kaya nagpaalala na lang ito sa mga kababayan na mag-ingat at palakasin ang immune system.
Ngunit hindi nakalusot kay Papa O (tawag namin kay Ogie) si Health Secretary Francisco Duque III.
Aniya, nauna pa yata ma-flatten ang ilong niya kesa magpakahusay si Duque sa sinumpaang tungkulin. Sinabi rin nito na hindi matibag sa puwesto si Duque kaya magpakitang gilas naman umano ito.
Pagtatapos ni Papa O, handa umano siyang ma-bash sa kanyang post para naman magkaroon umano ng trabaho ang mga trolls. O di ba,may paninindigan si Papa O?