Advertisers

Advertisers

Sanya inisa-isa ang mga katangian ng ideal guy

0 527

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ANO ba ang ideal guy ni Sanya Lopez?

“Yung mabait lang, iyon bang may pangarap. Yung nirerespeto ako at kaya akong ipaglaban. Tsaka may sariling desisyon. Marunong magdesisyon para sa sarili niya, para sa amin, yung ganun.”



Kilala ang kapatid niyang si Jak Roberto bilang Pambansang Abs; importante ba kay Sanya na ang magiging first boyfriend niya ay ma-abs din?

“Bonus na lang yun kung may abs man,” at tumawa ang seksing Kapuso actress.

“Pero ang importante personality. Maganda yung personality, mabait, humble.”

Ang First Yaya ay pinagbibidahan ni Sanya Lopez (bilang si Melody Reyes) na yaya o nanny ng mga anak ng Bise-Presidente na naging Presidente ng bansa na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta).

Sa First Yaya ay gumaganap si Joaquin o JD Domagoso bilang si Jonas na love interest ni Niña Acosta na ginagampanan naman ni Cassy Legaspi.



Bukod kina Sanya, Gabby, Cassy at JD ay kasama rin nila dito sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

Ito ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen. Napapanood sa GMA  Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi, ang First Yaya.

***

EMOTIONAL ang recent Instagram post ng International Stage Performer and Soul Diva na si Aicelle Santos patungkol sa kanyang lola.

Ibinahagi rito ni Aicelle kung gaano niya nami-miss ang kanyang 93-anyos na lola sa probinsya. “Now, I only have my 93-year-old lola in the province. I haven’t seen her since Christmas of 2019. Pangarap kong mayakap siya, gayon din ang aking mga magulang at kapatid. Pero kailangan tiisin ang pangungulila upang maprotektahan lang sila. Haaay… COVID. Ingat tayong lahat. Kasama n’yo akong nagdarasal.”

Nanawagan din si Aicelle sa mga fans na ipagdasal ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa na patuloy na nakikipaglaban sa banta ng pandemya.

Samantala, napapanood si Aicelle sa GMA bilang judge sa singing competition for kids na ‘Centerstage.’ Isa rin siyang mainstay performer sa weekend variety program na ‘All-Out Sundays.’