Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
KUMPIRMADONG tuloy na ang pagsasapelikula ng buhay ni Manila Mayor Isko Moreno at ang actor/director/producer na si Xian Lim ang gaganap na Yorme na ididirek ni Joven Tan.
Hindi puwedeng mawala sa movie ang character ni German Moreno na mas kilalang Kuya Germs. Guess kanino ipinagkatiwala ang role ng star builder? Ang nakarating sa amin ay si Janno Gibbs ang gaganap na Kuya Germs.
Si Kuya Germs ang nagbigay ng break kay Isko nang isama siya sa That`s Entertainment and the rest is history.
Alam naman ng lahat at hindi ipinagkakaila ni Yorme na para mabuhay ay naging basurero ito para makatulong sa kanyang pamilya.
Hanggang madiskubre siya ng talent scout na si Wowie Roxas at dinala kay Kuya Germs.
Samantalang ngayon pa lang ay mayroon nang ibinabatong intriga kay Yorme sa pagsasapelikula ng kanyang buhay. Preparasyon daw ito para sa pagtakbo ni Yorme sa mas mataas na posisyon sa bansa.