Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI inakala ni Sanya Lopez na magiging biggest hit sa primetime block ng GMA-7 ang “First Yaya” nila ni Gabby Concepcion.
Sa first week (March 15-19) palang kasi nito ay super taas ng kanilang ratings, isang record-breaking high ang pilot episode dahil nakatanggap ito ng 23% ratings ayon sa Nielsen Phils TAM NUTAM People Ratings.
First time rin na isang teleserye sa primetime ang nag-pilot episode kasabay sa sister company ng GMA-7, ang GTV dating GMANewsTV.
Sa pangyayaring ito ay mas lalong naging ganado sa kanilang lock-in tapings ang buong cast sa pangunguna nina Sanya at Gabby. Dahil super hit ang kanilang serye, kinabitan na ng intriga ang magandang samahan ngayon nina Sanya at Gabby.
Naispatan kamakailan si Sanya habang break na muna sila sa lock-in taping ng ‘First Yaya’, sa beach resort sa Batangas na pag-aari ni Gabby. Game ring pinost ni Sanya sa sariling social media account ang kanyang kaseksihan habang naka-swimwear sa beach resort na pag-aari ng leading man. Hello Julia Barreto at Gerald Anderson!
***
MUSIKA, KONSYERTO AT KAWANGGAWA SA GITNA NG PANDEMYA!
TODO ang ibinigay na pagmamahal, malasakit at suporta ng mga naglalakihang pangalan sa showbiz na sina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela, Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma para maghandog ng kasiyahan sa “AWIT SA PANDEMYA! A PMPC Benefit Virtual Concert” na gaganapin sa April 18, Sunday 8 PM (PHST & SGT) 5 AM (PDT) thru ticket2me.net.
Together with (in alphabetical order) JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa, Lil Vinceyy, at Zcentido.
Kaya suportahan natin ang makabuluhang proyektong ito ng PMPC na ang pangunahing layunin ay mabigyan ng tulong medikal ang mga miyembro ng organisasyon lalo na ang mga senior.
Puwedeng bumili ng ticket sa ticket2me.net.
***
GANAP nang dalaga si Andrea Brillantes na kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan.
Marami tuloy ang nagsasabi na keri na nitong lumabas sa mga mature o ‘yung tipong sexy roles. Pero para kay Andrea hindi ito ang tipo ng karakter na gusto niyang gawin, mas feel umano ng young Kapamilya actress na lumabas na kontrabida.
“Para sa akin mas madali at mas masaya ‘yung kontrabida. Kasi sa kontrabida hindi ka iisa. Madalas may pagka-static at monotone ang mababait, kasi lagi silang dapat ganito, ganyan. Sa kontrabida kasi super unpredictable sila at saka masaya siya paglaruan talaga pero nakakapagod talaga,” ani Andrea.
Hindi na rin naman bago para kay Andrea na lumabas na ‘maldita’, noong kabataan niya ay naging bida-kontrabida na rin siya at may mga serye na siyang nagawa na siya ang batang mean.
“Alam n’yo nung bago kunan ang eksena na may sakitan ay nagso-sorry muna talaga ako sa mga bata kasi talagang ayaw ko silang saktan, pero kailangan. Then after nung take, sorry ako ng sorry. Kasi hindi lang nakita sa ibang eksena pero may sakitan talaga na nangyayari,” dagdag pa ni Andrea.