Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MULING sumabak sa paggawa ng pelikula ang talented na singer/songwriter na si Marion Aunor. Ito’y via Revirginized na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta.
Ang naturang pelikula ang comeback movie ng Megastar sa ilalim ng Viva Films.
Bukod kina Sharon at Marion, tampok dito sina Albert Martinez, Rosanna Roces, Marco Gumabao, Cristina Gonzales, at iba pa. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Darryl Yap.
Ipinahayag ni Marion na nag-enjoy siya sa paggawa ng pelikulang ito.
Aniya, “Yes, super-enjoy ko po yung role ko sa movie.”
Esplika pa ni Marion, “Aside from Revirginized and Togs, nakasama na rin po ako sa movie na Tibak and got nominated by the PMPC as New Movie Actress of the Year.”
Paano niya ide-describe ang style ni Direk Darryl?
“I liked working with him dahil very out-of-the-box ang ideas niya in terms of the movies and series he directs and writes.
“Noong nag-meet po kami, he really took the time to explain our characters to us pero at the same time, gives us the freedom to portray them how we see fit. Mabait po siya and friendly,” lahad pa niya.
Naka-work na ba niya si Direk Darryl before?
Tugon ni Marion, “First time po. Pero ginamit niya na rin po iyong songs ko sa Sakristan na Delikado, Akala, and Mahal Kita Ngayon, sa OST nito.”
Ang Sakristan ay ang 2020 Philippine streaming television series starring Clifford Pusing and Henry Villanueva, na isinulat at pinamahalaan ni Direk Darryl.
Samantala, nabanggit ni Marion na labis ang kanyang kagalakan sa chance na makatrabaho sa pelikula si Sharon.
Saad ng panganay ni Ms. Maribel Aunor, “Matagal ko na rin pong gustong ma-meet si Ms. Sharon since I wrote her song “Lantern” noong 2018 para sa kanyang Megastar album. So ang saya lang, na through this movie pa kami finally nag-meet.”
Bulalas pa ni Marion, “I’m very happy na nabigyan po ako nila Boss Vic (del Rosario) ng ganitong break.
“I really admire both Ms. Sharon and Direk Darryl Yap, kaya tuwang-tuwa po ako nang nalaman kong makakasama ako sa movie nila.”