Sorry Tom… Carla aminado may edad na, ‘di na keri ang 6 na anak; Geneva niresbakan ang basher nang ikumpara kay BB
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA post ni Geneva Cruz sa kanyang social media sa pagsali sa Your Face Sounds Familiar, ginaya nito si Madonna.
May mga pumuri at nang-okray sa kanya na mas kalokalike raw nito ang utol ni Robin Padilla na si BB Gandanghari kaysa sa Queen of Pop.
Kaya naman kinastigo ni Gen ang netizen na nagsabi na mas kamukha niya si BB sa kanyang awra.
Ano raw ang problema kung mas kamukha niya si BB sabay sabing BB is beautiful.
May nagsabi pa na nagmukhang beki nga raw ito sa kanyang peg.
***
SIX kids daw ang gusto ni Tom Rodriguez na maging anak sa fiancee na si Carla Abellana.
Pero pumalag si Carla sa anim na anak na gusto ni Tom.
Sa panahon nga raw ngayon na mahirap ang buhay dahil sa pandemya at ‘di pa alam kung hanggang kailan matatapos ang Covid-19, hindi anya praktikal na mag-anak ng marami dagdag pa ang pagkakaroon na rin ng edad ng aktres.
Kaya para kay Carla, mas maigi na dalawa lang ang kanilang anak ni Tom. Well, well, well…’Yun na!