Advertisers

Advertisers

2 tulak huli sa shabu sa Navotas

0 307

Advertisers

ARESTADO ang dalawang sangkot sa iligal na droga nang makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City, Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jayson Gacayan, 40 anyos, pedicab driver ng Leongson St., Brgy. San Jose; at Neil San Jose, 33, ng Brgy. NBBS Kaunlaran.
Ayon kay Col. Ollaging, 7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Lt. Genere Sanchez sa Judge Roldan St., Brgy. San Jose.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 at buy bust money.