Advertisers

Advertisers

Claudine 3 beses na naudlot ang pagbabalik-showbiz

0 300

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA darating na Abril ay magdiriwang na naman ng kaarawan ang panganay ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion.

Nasa tamang edad na nga raw si KC at ubra na bumuo ng sarili nitong family.



Edad 36 na si KC sa darating nitong kaarawan. May isa ngang netizen na nagsabi na mag-asawa na nga raw ito para magkaroon na ng anak.

Kahit naman si Sharon ay sinang-ayunan ang netizen at sinabi na inip na siya na magkaroon ng apo sa panganay.

Kahit nga surrogate ay aprub na kay Sharon para sa pagkakaroon ng apo kahit wala itong asawa basta nga raw sa anak manggagaling ang eggs.

Bago nga naman daw maging senior si Sharon ay gusto nito na maging lola na kaya ganun kaatat na magkaapo na.

Pero ayaw naman madaliin ni Sharon ang anak, ang mahalaga nga raw ay matagpuan ni KC ang “the one.”



***

TILA malabo na muling masilayan si Claudine Barretto  ng kanyang followers sa mga gagawing project.

Kahit naman siguro hindi na mag-work si Claudine eh oks lang.

Pero maraming nanghihinayang sa kanyang galing na talento sa akting kaya nalungkot naman ang kanyang fans.

Una na ngang naudlot ang comeback movie sana ni Claudine kapareha si  Piolo Pascual.

Pangalawa na ang hindi pagkakatuloy ng pagsasama sana nila ulit ni Mark Anthony Fernandez.

At eto ngang solo starrer sana ni Claudine  ay tila ‘di na rin matutuloy kaya ganun na lang ang panghihinayang ng kanyang mga tagahanga.

Well, well, well…’Yun na!