Advertisers

Advertisers

Kaya nawawala sa showbiz… Jackie mas prayoridad ang lovelife kaysa career

0 298

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SIMULA nang pumirma ng kontrata si Richard Yap bilang bagong Kapuso ay marami ang nakapupuna na tila pang-guest role ang ang naibibigay ng Siyete sa aktor.

Yung teleserye na dapat na gagawin niya with Heart Evangelista, ang “I Left My Heart In Sorsogon” ay pansamantalang postponed ang taping at hindi pa alam kung kailan ito mauumpisahan.



Unang project ni Richard sa GMA-7  ay guesting para sa show ni Eugene Domingo na “Dear Uge”, sumunod ang guesting niya sa comedy show, sa “Pepito Manaloto,” tapos nasundan ng  love story nila ng kanyang misis sa “Magpakailanman” at hindi siya ang gumanap na bida dito kundi si David Licauco.

At ngayon nga habang wala pang schedule ang taping ng serye nila ni Heart ay nag-guest ulit si Richard para sa isang episode ng “I Can See You Now: Book 2”  na may title na “On The Way To You” at pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz.

Kaya hinala tuloy ng mga supporters ni Richard ay hindi siya masaya sa ginawa niyang pagpirma bilang exclusive contract talent ng GMA-7. Say ni Richard, feel at home raw siya sa GMA-7 na kahit noong bagong lipat palang siya ay warm welcome ang binigay sa kanya ng Kapuso.

Hindi iniisip ni Richard ang karir niya sa GMA-7 bagkus ay mas pinag-isipan pa niya nang husto ang epekto ng pandemya sa kanyang restaurant business na nagsara muli.

***



HULING napanood si Jackie Rice sa GMA-7 sa isang game show bago pa man magkaroon ng health crisis ang buong mundo.

Kung ang ilang sa artista natin ay lumalaban nang sabayan sa new normal way of lock-in taping para magkaroon lang ng ingay sa showbiz, ibang klase naman si Jackie, tahimik ang kanyang kampo.

Eh kasi naman nagkataon nang magkaroon ng pandemic ay nagkaroon din ng lovelife ang dalaga kaya kahit lockdown ay happy ang kanyang feeling dahil sa new found love.

Tila naging inspirasyon ni Jackie ang bagong boypren at walang tsika kung ano ang bago niyang gagawin o proyekto sa GMA7, ang kanyang mother network.

Kasabay din ng pag-iisang taon ng pandemya ay nagkaroon ng gap si Jackie at ang boypren na nauwi sa hiwalayan. Tsikang hindi na kineri pa ni Jackie ang relasyon nila at sinukuan na ang dyowa.

Nang kumustahin ang aktres ilang buwan pagkatapos ng break up nila ng boypren ay sinabi nito na moving-on ang kanyang byuti.

Walang pag-amin kay Jackie kung kanino galing ang mga bulaklak na tila araw-araw siyang pinadadalhan ng misteryosong lover boy. At sa pangyayaring ito, malamang ay matagalan pa ulit bago bumalik ng showbiz ang sexy actress.

May ugali kasi ang aktres na mas prefer niya ang love kaysa karir. Remember laging nawawala sa sirkulasyon si Jackie pag nainlab at karamihan ng kanyang nagiging boypren ay non-showbiz.