Advertisers

Advertisers

Kylie at Aljur balik-sweet matapos muntik maghiwalay; Aga at Willie inalala ang pinagdaanang hirap nang mag-bonding

0 304

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAG-reminisce ang magkaibigang Willie Revillame at Aga Muhlach  kasama ang wife ng huli na si Charlene Gonzales nang bisitahin nila ang private beach resort ng una sa Puerto Galera.

Sa kanyang Instagram post ipinasilip ni Aga ang pagpunta nila ni Charlene sa kaibigan. Matagal nang magkaibigan sina Willie at Aga.



“A good friend since the 80s!  Puno ng hirap at saya ang mga pinagdaanan din natin. Happy for  what  you`ve  become, Willie. Continue to do what  you do best, tumulong at magpasaya  ng tao. Nice seeing  you  again! God bless you my friend, Cheers! Your  turn to visit  us soon.”

Year  2018 nang mabalitang nabili ni Willie ang beach resort na ipinaayos niya at  inihalintulad sa luxury resort  ng Amanpulo in Palawan.

Matatandaan nag-stay ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby ng ilang araw sa beach resort ni Willie nang abutan ng lockdown dahil sa Covid-19 pandemic.

***

TILA tuluy-tuloy na ang magandang pagsasama muli ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla na kamakailan lang ay nabalitang nagkahiwalay.



Sa kanyang kaarawan last March 24 ay nagpasalamat  si Aljur sa asawa`t  mga anak  at mga totoong kaibigan na laging nandiyan sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

“Unang-una salamat sa Panginoon sa tuloy tuloy na biyayang pinagkaloob niya sa 31 years  ng eksistensiya ko. Pamilya na laging nandiyan upang alalayan  ako. Sa mga kaibigan na nagtitiwala at nananatiling totoo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Sa aking asawa`t  mga anak  na nandiyan  upang mas pagbutihan  ko  pa ang aking sarili. Salamat sa lahat ng nakaalala at bumati sa aking kaarawan. Wala na akong mahihiling pa sa kung ano man meron ako,” post ni Aljur.

Makikita sa in-upload na short video ni Aljur na kasama niya ang dalawang anak na nagbo-blow ng kanyang birthday cake. May larawan din sila ni Kylie na sweet na sweet at very happy.

Patunay lang nito na nalampasan na nila ang problema na kinaharap sa buhay mag-asawa.

***

First Yaya serye nina Sanya at Gabby tigil muna

Tigil muna ang lock-in taping ng top rating Primetime romantic-comedy series ng GMA na First Yaya na pinagsasamahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Sa Instagram account ni Sanya ay nagpainit ito sa suot na sexy bikini photos habang nagtatampisaw sila ni Kakai Bautistasa beach resort ni Gabby sa Batangas.

Ang sexy bikini photo na pinost niya sa social media ay pinusuan ng fans at netizens na umabot sa  210,577 ang likes at 865 comments dahil sa sobrang ganda at sexy ng kanyang katawan.

Dahil sa break muna ang lock-in taping nila ng First Yaya ay na-miss na agad nina Sanya at Kakai  ang mga co-star na sina Maxine Medina, Cai Cortez, Glenda Garcia at Miss Pilar Pilapil.

Samantalang good news pa rin sa mga actor na nabighani sa ganda at kaseksihan ni Sanya, loveless pa rin ang actress hanggang ngayon.