Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
BIBIDA sa second episode ng ikalawang season ng I Can See You na “#Future” ang Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix. Mapapanood na ito simula April 5 hanggang April 9.
Hindi pa man nagsisimula ang pagtatambalang mini-series, bumuhos na agad ang suporta at excitement mula sa fans ng dalawa matapos umabot ng 770k likes at 4.5k comments ang kanilang behind the scene photo sa GMA Drama Facebook page.
Bukod sa mga kinilig, marami ring fans ang nakapansin sa facial similarities nina Kyline at Miguel, “Sabi nila kapag hawig o kamukha mo ang isang tao s’ya daw magiging destiny mo. Baka sila na nga dalawa in the future.”
Komento pa ng isang fan, “Wow ngayon ko lang napansin magkamukha at bagay pala sila Kyline at Miguel baka sila magkatuluyang dalawa.”
Samantala, kasalukuyan namang napapanood ang first episode ng I Can See You na ‘On My Way To You’ tampok ang tambalan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, weeknights, after First Yaya sa GMA Telebabad.
***
“I Heart Movies,” may sorpresang dala para sa buong pamilya
Non-stop movie marathon from home ba ang hanap mo? Sagot na ‘yan ng bagong digital channel ng GMA Network, ang “I Heart Movies.”
Siguradong mag-e-enjoy ang buong pamilya sa iba’t ibang kombinasyon ng malalaking local and Hollywood films, blockbuster and indie titles, pati na classic at contemporary flicks.
Get ready to experience all the feels sa iba’t ibang pelikulang mapanonood dito simula ngayong Abril. Available ang “I Heart Movies” channel sa GMA Affordabox, GMA Now at sa iba pang digital television boxes. Abangan!
***
Hit K-Drama na “The Penthouse,” malapit nang mapanood sa GMA-7
Malapit nang mapanood sa GMA Network ang isa sa pinakamainit at pinag-uusapang K-Drama ngayon, ang “The Penthouse.”
Tampok sa multi-awarded program na ito ang mahuhusay na Korean actors na sina Lee Ji-ah, Kim So Yeon, Eugene, Um Ki-joon, Yoon Jong-hoon, and Park Eun-seok.
Umiikot ang serye sa kuwento ng iba’t ibang mayayamang pamilya. Sa kabila ng kanilang ganda at tagumpay, mangingibabaw pa rin ang matinding ambisyon at pagnanasa.
Abangan ang nakakaintrigang Korean drama na ito, soon on GMA!
***
“I Can See You: Love on the Balcony” muling mapapanood sa Maundy Thursday
Sa darating na Maundy Thursday (April 1), balikan ang napapanahong kuwento ng isang frontliner nurse at wedding photographer sa marathon airing ng ‘I Can See You: Love on the Balcony.’
Tampok sa mini-series si Asia’s Multimedia Star Alden Richards bilang Iñigo Mapa, isang wedding photographer na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, at ang kapitbahay niyang frontliner nurse na si Lea Carbonel na gagampanan naman ni Jasmine Curtis-Smith.
Napapanahong balikan ang kuwento nina Iñigo at Lea ngayong Holy Week dahil hindi lang ito kuwento ng pag-ibig kung hindi pati na rin ng pag-asa, pagpapatawad, at pagtuklas sa sarili.
Ayon kay Alden, “It’s really about the pandemic. It’s really a story about hope, forgiveness, self-discovery, love, nandiyan ‘yan and ‘yung paglaban natin sa araw-araw.”
Kasama rin sa episode sina Pancho Magno, Shyr Valdez, at Denise Barbacena. Panoorin ang “I Can See You: Love on the Balcony” sa darating na Maundy Thursday, April 1, 7:15 pm, sa GMA-7.