Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
HINDI pinabayaan ni Aiko Melendez ang mga kapwa niya residente sa District 5 ng Quezon City.
Naka-lockdown (Special Concern Lockdown Area o SCLA) na kasi last week, bago pa ang ECQ na nagsimula ng Lunes, March 29 ang mga taga-Sta. Lucia kaya naisipan ni Aiko na magpa-abot ng tulong sa mga nakatira sa naturang barangay.
Hindi naman ito ang unang beses na tumulong si Aiko; simula pa lamang ng pandemya last year ay namamahagi na ito ng ayuda hindi lamang sa QC kudi maging sa ibang lugar.
Maging sa mga ospital at barangay sa Zambales na Bise-Gobernador ang boyfriend ni Aiko na si VG Jay Khonghun ay tumutulong ang aktres kasisimula pa lamang ng pandemya.
Kaya naman nitong nakaraang linggo nga, isang daan at limampung pamilya (o humigit-kumulang sa 480 na tao) ang nakatanggap ng groceries tulad ng bigas, spaghetti at iba pang canned goods mula kay Aiko.
“Kasi taga-District 5 ako kaya nagpadala ako ng help sa Sta. Lucia, kasi malapit lang sa akin yung lugar so I kinda felt the need to help them,” pahayag ng aktres.
Sa Instagram account ni Aiko, nagpasalamat siya sa mga taong nag-assist sa kanya at sa mga kasama niya para maging maayos ang pamamahagi ng ayuda.
“Maraming salamat po kay Capt. Ruel Marpa at sa lahat ng opisyales ng Brgy. Sta. Lucia District 5, Quezon City na tumulong sa pag-assist sa amin para maihatid ang aming munting tulong sa mga na-lockdown.
“Pagpasensiyahan nyo na po ang nakayanan ko po at huwag po kayo panghihinaan ng loob sa mga nangyari at lagi ko pong ipinagdarasal na sana ay malampasan natin ng maayos at ligtas ang pagsubok na dumarating sa atin.
“Hindi po matatawaran ang katapangan at katatagan ng loob nating mga taga-Quezon City lalo na dito sa atin sa Distict 5.
“Kaya sumunod lang po tayo sa health protocol ng ating pamahalaan dahil para din po ito sa ating kaligtasan.
“Stay safe. God bless!”
Samantala, matapos ang tagumpay ng Prima Donnas ay mapapanood naman si Aiko sa Season 2 ng I Can See You.
May pamagat na #Future, tampok dito sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara at magsisimula ito sa April 5, 8:50 ng gabi sa GMA.
***
NATANONG si Janine Gutierrez; bago siya lumipat, ano ang impression niya sa Kapamilya Network?
“The impression is always parang… impressive! Impressive. Kahit naman anong station ka meron yang respeto bilang artista, na alam mo kung maganda yung kuwento, kung magaling ang pagka-arte.
“And as I’ve said, marami akong iniidolo dito so I also really watch the shows.
“And ano lang, it’s very exciting because napi-feel ko yung talagang sobrang passionate yung mga tao dito sa ABS-CBN about the stories and about bringing forward new stories and talagang reaching out to what people really want to see.
“Kung ano yung pulso ng tao ngayon, kung mas gusto ba nila ng heartfelt na kuwento o yung ang lalim ng pagkakakilala sa Kapamilya.
“Kung ano ba ang hinahanap ng isang Kapamilya sa telebisyon and I think it’s so amazing na ibibigay natin yung gusto ng Kapamilya.”
Samantala, gandang-ganda kami sa pelikulang Dito At Doon ng TBA Studios na kapareha ni Janine si JC Santos.
Mula sa direksyon ni JP Habac, nasa movie rin sina Victor Anastacio, Yesh Burce at ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.