Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
GANOON na lang kung laitin ng isang fan ng tambalang Coco Martin at Yassi Pressman si Julia Montes nang makumpirma ang relasyon ng dalawa.
Naging eye opener sa mga umaasang Coco at Yassi fans na si Julia nga at hindi ang gusto nila para actor nang magkasamang magpunta sa Boracay nina Coco at Julia imbes na si Yassi ang isinama.
Magmula ay hindi na tinantanan ng Coco at Yassi supporters si Julia. Kesyo laos na raw ang actress at wala nang masasandalan dahil umaasa na lang daw ito kay Coco. Utak daw ang ginamit ni Julia dahil kung wala daw ang actor ay wala na rin siya.
Natural nagalit at kinontra ng Julia fans ang sinabi ng basher na laos na ang aktres dahil may teleserye ito sa Kapamilya Channel. Ayaw na lang patulan ng Coco at Julia fans ang pagkadismaya ng Coco at Yassi fans.
Basta masaya sila dahil open na ang relasyon ng kanilang iniidolo at wish nila sa susunod na makita ang dalawa ay wala nang suot na face mask at hindi nakababa ang suot na sumbrero para makita na ang kanilang mukha.
***
RHIAN PUMALAG SA MGA BLIND ITEM NG EX-SYOTANG SI DJ MO
Sabi ng mga nakausap ni Rhian Ramos, tila ang sinasabi niya ay patama o sagot sa blind item ni DJ Mo Twister, ang sumira umano sa showbiz career ng actress.
Matatandaang noong kasikatan ni Mo Twister sa bansa ay nali-link ito sa ibang aktres na nakakasama sa ABS-CBN at ang masama ay natatapos na rin ang career ng naugnay dito. Kung hindi kasi buntis ay natatakot nang lumabas sa showbiz dahil tila may kinatatakutan ang mga ito.
Buti na lang isang matapang na Rhian Ramos na hindi natakot na labanan ang ginagawa raw pananakot ni Mo sa actress.
Ending, imbes na si Rhian ang tumigil sa pag-aartista at masira ang reputasyon ay si Mo ang nawalan at nilisan ang bansa para makaiwas sa demanda ni Rhian.
Pakiusap nga ng mga fans ni Rhian na huwag nang patulan pa si Mo Twister dahil wala naman itong maitutulong sa kanyang magandang showbiz career.
***
HEART MUNTIK MAG-SUICIDE DAHIL SA MENTAL HEALTH PROBLEM
Ibinahagi ni Heart Evangelista sa kanyang YouTube vlog ang kanyang natutunan nang magkaroon siya ng mental health problem noon.
“It`s really okey to not be okey and ask for help and actually forgive yourself for feeling a certain way or being a certain way,” aniya.
“You know, I spoke about mental illness and depression and anxiety and then a lot of people actually know that I went through something so bad.
“It probably doesn`t seem had because you know I`m wearing this nice Chanel jacket. But these things don`t matter if you`re not happy or if you`re going through something in your mind.
“Really, honestly, when I went through something, I thought my accessories, my bags, would give me a purpose to live,” pagbabahagi ni Heart.
Inamin niya na that time ay inisip niyang tapusin o wakasan na ang lahat.
“I didn`t know how I go into that black hole and I remember thinking of the worst things, like I felt I was left with no choice but to kind of end things. It was really that bad,” aniya
Ang maganda ay nalampasan daw niya ang stage na yun at ngayon ay nakakayanan na niya itong pag-usapan.