Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MASAYA si Kapuso King of Primetime Dingdong Dantes sa muling pagpapalabas sa afternoon block ng kanyang dating teleserye na “Ang Dalawang Mrs. Real” na leading ladies niya sina Maricel Soriano at Lovi Poe.
Sa pagkakahinto ng lock-in taping ng dapat sana na ipapalit sa nagtapos na “Bilangin Ang Mga Bituin” ng Kapuso Network, ang “Dalawang Ikaw” nina Ken Chan at Rita Daniela na ang tinutukoy na sanhi ay ang pagkakahawa ng virus ng isang cast ng naturang serye, ay ipinalit na muna ang dating serye ni Dong.
Ani aktor, isa sa seryeng nagawa niya ang labis niyang pinagmamalaki ang ay “Ang Dalawang Mrs. Real” na tinutukan ng sambayanan at kinapulutan ng aral lalo na ng mga lalakeng may dalawa o higit pang pinakasalan na babae.
And speaking of COVID 19, sa muling pagdagsa ng mga nahawaan ng virus at paglagay muli sa quarantine ng bansa ay may pahayag si Dingdong.
“All-time high na naman tayo sa mga kaso ng COVID these past days.
“Experts say that wearing a medical-grade face mask gives you up to around 85 percent protection and a face shield definitely adds another layer of defense.
“In fact, studies confirmed that when combined and worn properly, face masks and face shield give more than 90% protection. Siguro naman medyo mas safe na kapag idagdag ko pa itong shield ng helmet na pang-motor, hehe!
“Pero seryoso, we really have to double up our efforts in helping mitigate the Pandemic, while waiting for the vaccine rollout. It is not yet time to relax and be complacent about our wellbeing, it ain’t over yet!
“So, we must make sure that we play our part as responsible citizens,” sey ni Dong
***
BAGO pa man ipa-quarantine ang buong bansa ay naging ganap na Kapuso na si Mrytle Sarrosa. Natsika pa nga noon na ang first major project niyang gagawin sa Siyete ay ang live serye ng “Voltes 5: The Legacy.”
Pero nang ilabas ang official list ng naturang serye ay wala ang pangalan ni Myrtle bagkus ay pinalitan siya ni Ysabel Ortega. Kaya marami ang nagtatanong na kanyang mga tagahanga kung isa pa bang Kapuso si Myrtle at kung may gagawin pa ba itong proyekto sa GMA-7?
Hindi man napili para makasama sa ‘Voltes 5: The Legacy” ay masayang sinabi ni Myrtle na may kapalit naman daw agad siyang major project sa Kapuso Network, isa siya sa lead casts ng “Nagbabagang Luha” na makakabangga niya sa aktingan sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Mike Tan at Gina Alajar
Happy naman si Myrtle sa kanyang role sa naturang serye, at ilalabas niya ang angking kaseksihan na tiyak na pagpipistahan ng kanyang mga followers.