Advertisers
KAHIT may ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ), nahuli sa akto ang 40 indibidwal na naglalaro ng tupada sa magkakaibang bayan sa Laguna nitong Huwebes Santo, Abril 1.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Vicente Amante, hepe ng Sta. Rosa Police, marami ang nagbibigay sa kanila ng ulat na mayroong mga naglalaro ng ilegal na sabong nitong linggo ng Semana Santa sa lalawigan kahit kahit nasa ECQ ang probinsya.
Ilan sa mga naarestong manlalaro ng tupada ay nakitang lumalabag sa health protocols, tulad ng hindi pagsusuot ng face mask at walang face shield.
Tinatayang 30 ang naaresto noong Biyernes Santos, habang siyam naman ang naaresto nitong Huwebes.
Dagdag pa niya, hindi rin daw isang essential activity ang pagsasabong, at kahit ang mga lisensyadong establisiyimento sa pagtutupada ay hindi pinahihintulutan ngayong nananatili pa rin sa ECQ ang lalawigan.
Samantala, problema naman ngayon ng ahensiya kung saan ilalagay ang mga nahuli sapagkat wala na silang espasyo para sa mga ito.