Advertisers

Advertisers

Mabilis magdesisyon si ‘Yorme Kois’

0 318

Advertisers

KUNG ano ang bagal magtrabaho at magdesisyon ng national government, kabaliktaran ito ng mga ginagawa ng local government ng Maynila.

Oo! Ibang klase talaga itong liderato ni “Yorme Kois” ng Maynila sa pag-handle sa problema ng Covid-19 sa lungsod. Mabilis umaksiyon. Manang-mana sa idol niyang ka-Tondo na si late Mayor Fred Lim.

Habang ang ibang lungsod na ‘di hamak mas maliit sa Maynila ay hindi pa nakatatapos sa pagturok ng bakuna sa kanilang healthcare workers, sa Maynila ay nabakuna-han na lahat. Nasa listahan na sila ng seniors at mga may kapansanan. Walang sinasayang na oras ang mga opisyal ng Maynila. Mula umaga hanggang gabi ang pagbabakuna. Lahat ng anim na district hospitals ay gumagalaw. Resulta: Patapos na ang Manila gov’t. sa kanilang pagtutu-rok sa seniors at mga maysakit. Kasunod nito ay ang pagbakuna na sa lahat ng mamamayan ng lungsod. Bravo, Yorme Kois!



Bukod rito, tuloy-tuloy din ang libreng swab test kahit sa non resident ng Maynila. Tumawag lang sa kanilang mga telepono 09555875981, 09052423327, 09983226367, 09636023177, 09555875976, 09615869957 para sa scheduling. Sa gabi mas madali tumawag rito. Dial na!!!

Pagdating sa ayuda, hindi rin tumigil sa pagbibigay ng food packs monthly sa lahat ng residente ang pamahalaang lungsod ng Maynila since last year. Napurga na nga ang Manilenyo sa mga delata. Hehehe…

Kung ganito kaalerto lahat ng LGUs, tiyak walang mag-rereklamo sa kanilang mamamayan.

Kung ganito kabilis magtrabaho ang nasa national gov’t., si-gurado walang susuway sa protocols ng gobyerno kontra covid-19. Mismo!

Sa ganito kabigat na problemang kinakaharap ngayon ng bansa, higit isang taon na, walang puwang ang puros pangako, buladas, paasa at fake news, mga bossing!



Mabuhay ang dating basurero from Tondo, Yorme Kois! Isa kang ulirang ama ng Manilenyo…

***

May tirada na naman ang minsa’y kapanalig ni Pangulong Rody “Digong” Duterte na si Senador Ping Lacson sa magulong paghawak ng gobyerno sa problema sa Covid-19.

“The coronavirus has gone berserk. While it is on ‘at-will’ mode, we are like, on autopilot. We can’t feel someone is in charge. Sobrang malas!”, birada ni Ping.

Sakit ng sinabing ito ni Ping ha? Pero para sa gobyernong palpak, dedma lang ito. Ang tinatrabaho ngayon ng mga bata ni Digong ay ang mapuno ang kanilang bulsa para sa pagbaba nila sa 2022 ay “Don” na sila. Mismo!

***

Sa lahat ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG), itong si Undersecretary Epimaco Densing lll ang walang kuwenta!

Ang hilig niyang sumakay sa isyu na hindi naman siya tinatanong at hindi niya trabaho.

Mantakin mo pati ang nag-viral na isyu sa lugaw ay sinakyan, makaupak lang kay VP Leni Robredo at makasipsip kay Duterte.

“Hindi talaga essential si lugaw. Pero kung sinabi niya, essential ang lugaw, ‘yun, tama ‘yun. Pero si lugaw ang binanggit niya. Non-essential ‘yun sa pananaw namin,” patungkol ni Densing kay VP Leni.

Sa totoo lang… si Densing ay walang pakinabang sa gobyerno. Walang bilang ang kanyang posisyon sa DILG, gastos lang! Political appointee lang siya. Pero walang pakinabang ang madla sa kanya. Mismo!