Advertisers

Advertisers

Manila LGU handa na sa vaccination ng ‘A4’ category

0 437

Advertisers

Handa na ang pamahalaang lungsod ng Maynila na magpatuloy ng pagbabakuna sa mga friontline personnel sa mahahalagang sector at mga opisyal ng local na pamahalaan o katergoryang ‘A4’ kontra COVID-19.
Ayon ito kay Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso kungsaan sinabi nito na naabot na ng pamahalaang lungsod ang minimum requirement ng Department of Health (DOH) para sa pagbabakuna sa mga target recipients sa ilalim ng ‘A3’ category kabilang ang mga indibidwal na may comorbidity o karamdaman.
Ayon sa alkalde, kabilang sa ‘A4’ category ang barangay officers at police personnel.
Sa ngayon, ang available na bakuna sa Maynila ay ang second dose para sa recipients ng kategorya na ‘A1’ at ‘A3’.
Nasa 33,603 indibidwal na ang naturokan ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19 sa lungsod. (Jocelyn Domenden)