Advertisers

Advertisers

Shabu isinilid sa supot ng fish cracker

0 233

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki nang isiksik nito ang shabu sa loob ng pagkaing dala para sa kaibigang nakakulong sa Davao city nitong Linggo.
Kinilala ang dinakip na si Darril James Martinez, residente ng Purok 9, Marapangi 3, Toril city, Davao.
Sa report, maghahatid ng pagkain si Martinez sa kanyang kaibigan na nakakulong sa Toril Police Station.
Ayon sa hepe ng istasyon na si Major Michael Uyanguren, sinusuring maigi ng mga pulis ang dala ng mga bumibisita sa kanilang police station lalo na kung ibinibigay ito sa mga detainee.
Nakita sa dilaw na plastic bag ang 3 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000.
Magkasama na ngayon sina Martinez at ang kaibigan nito sa kulungan.