Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MATAPANG na inamin ng Kapuso aktor na si Kristoffer Martin ang tunay na relasyon nila ng sexy actress at cast member ng “Babawiin Ko Ang Lahat” na si Liezel Lopez.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Kristoffer nang diretsahan siyang tinanong ni Boobay sa programa nila ni Tekla na “The Boobay and Tekla Show” kung may relasyon na sila ni Liezl at kung mahal niya ang sexy actress.
Say ni Kristoffer, ‘yes’. Magkagayunpaman may pasaring pa rin ang aktor sa relasyon nila ni Liezl na tila dumadaan sa isang pagsubok ito at sabay nila itong nilalabanan.
Kung matatandaan, nitong February ay nagkaroon ng word war sa social media sina Kristoffer at ang ex-partner at ina ng kanilang anak na si AC Banzon. Pagkatapos na ihayag ng dalawa sa publiko na may anak na sila ay saka naman dumating ang isang pagsubok sa magpartner at sinukat ang tatag ng kanilang relasyon na nauwi na nga sa hiwalayan.
At dahil may anak ang dalawa ay hindi maaalis na magkrus ang kanilang landas na tila nagiging daan pa yata ng hindi nila pagkakaayos nang tuluyan.
Say pa rin ni Kristoffer, kahit hindi naging maganda ang nangyari sa relasyon niya at ng ina ng kanyang anak ay hinding-hindi raw niya pababayaan ang anak, patuloy niya itong mamahalin at gagabayan hanggang sa pagtanda. Sa mga sinabi na ito ni Kristoffer ay tumulo ang kanyang mga luha.
Nagkasama sina Kristoffer at Liezl nang pareho silang maging regular cast ng “Babawiin Ang Lahat” sa pangunguna nina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Gomez at Pauline Mendoza sa GMA Afternoon Block.
***
KUNG meron mang isang artista ngayon ang tila sinuwerte nang magkaroon ng pandemya ay si Rossana Roces ang isa rito.
Ang iba kasing local artist ay nganga sa proyekto at karaketan samantalang si Osang ay sunud-sunod ang mga dating ng alok sa kanya sa gitna ng pandemya.
Sunod-sunod ang mga offer sa kanyang mga movies under new normal tulad ng “Suarez: The Healing Priest,” “Anak Ng Macho Dancer,” “‘Pag Laki Ko, Gusto Kong Maging Porn Star”, “Kung Pwede Lang,” “Kontrabida” with Nora Aunor, at ang “Revirginized” with Sharon Cuneta.
“I was idle for many years. Now, I was given a chance again. I really want to work hard, kayod. I want to do my best,” ani Osang.
At kung may isang pelikula na nagawa si Osang na tumatak sa kanyang puso, ito ay ang “Revirginized” nila ni Sharon. Hindi lang daw kasi yung movie ang dahilan kundi ang pagkakaroon niya ng isang kaibigan, ang dating iniidolong Megastar, ngayon ay friend na niya.
“Who would have thought that someone like Sharon would be friends with me? I’m so happy because I’m now able to work with people that I only used to dream about. So it’s really a dream come true for me.”
“Napakaraming plastik sa showbiz but Sharon always says, ‘Life is short, magpa-plastikan pa ba tayo?’”
“I also appreciate that she doesn’t look down on anyone. She comes from a well-off background, but she doesn’t look at you as someone lesser. Minsan ’yung mas mababa pa sa’ yo ang mababa ang tingin sa ‘yo,” dagdag pang sabi ni Osang.