Advertisers

Advertisers

Richard sinita ang seksing suot ng pamangkin sa IG post

0 284

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGMUMURA ang kaseksihan ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Bektas.

Kaya naman, hindi malayong maging pantasya ito ng mga barako.



Hindi naman nakaligtas sa pagiging konserbatibo ni Richard Gutierrez ang ibinahaging litrato ng kanyang pamangkin sa Instagram post nito.

Agaw-pansin kasi ang naging komento ng  aktor sa alluring post ni Lorin kamakailan na nakasuot ang huli ng kulay itim na swimming attire at naka-shorts.

Pinagsabihan ni Richard si Lorin tungkol sa suot nito dahil ayaw niya umanong pagpiyestahan ito ng kalalakihan.

“Cover yourself. I don’t want any of these guys checking you out,”saway ni Richard.

Marami naman ang bumilib sa pagiging protective uncle ni Richard sa kanyang pamangkin.



May ilang bitchy kibitzers namang nagsabing umandar ang pagiging manong o old-fashioned ng aktor.

Hirit naman ng iba, dahil sa pagsita sa pamangkin, hindi raw kaya pagmulan ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Richard at ng sistah nitong si Ruffa na ina ni Lorin.

***

Angeline touched sa concern ni Sarah nang magka-Covid

Sobrang na-touched si Angeline Quinto sa concern sa kanya ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo nang tamaan siya ng Covid-19.

Ito raw ang isa sa mga nagpaabot sa kanya ng message of concern nang magpositibo siya sa coronavirus.

Kaya naman, idinaan niya sa socmed post ang kanyang appreciation sa asawa ni Matteo Guidicelli.

“Hindi mo nakakalimutan [kamustahin] ako. Lalo nung nawala ang Mama Bob. Salamat sayo, Sars. Ipinost ko ito dahil nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita bukod sa katrabaho. Salamat SG. Mahal kita!,” mensahe ni Angeline.