Advertisers

Advertisers

Yam nailang sa lovescene kay Gerald sa serye; Anne alarmado sa paglobo ng Covid cases

0 246

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NATURAL lang  na mailang si Yam Concepcion sa ginawa nilang love scene ni Gerald Anderson sa serye.

Dahil pareho lang silang first time nagsama kaya naman kailangan na in 30 minutes ay kailangang maging close ang dalawang bida sa Init Sa Magdamag.



Getting to know muna sila na kahit naman si Gerald ay nailang din.

Pero dahil nga sa gusto ni Yam ang kanyang ginagawa na mga acting scene eh lumabas na makatotohanan ang scene.

Kaya sa mga nagsasabi na tsika boy si Gerald sa nababasa ni Yam.

Very professional  nga raw sa trabaho si Gerald as in na-portray nga raw nito ang character nito as Tupe sa nasabing serye.

Muli ngang pag-uusapan si Yam matapos ang top rating serye nito dati na Halik.



Pero may nagtatanong na netizens na ‘di naman kaya raw pagselosan ni Julia Barretto  ang lovescene ng bf at ni Yam?

For art’s sake naman lumabas ang kinunan na scene at alam ni Julia na trabaho lang ang ginawa ni Gerald sa nasabing serye kasama si Yam.

***

NGAYON ngang nandito sa bansa si Anne Curtis kasama ang pamilya nung Pebrero, naalarma ito na kung kailan daw dumating ang vaccine ay saka naman lumobo ito.

Sa kanyang socmed eh talagang ipinaramdam ni Anne ang kanyang pag-aalala na pumalo na sa 15, 000 ang Covid cases.

Kaya naman nag-aalala si Anne at ayon pa nga sa post nito na nanawagan sa gobyerno.

Kailangan daw maipaliwanag o maliwanagan ang taong bayan kung ano na ang susunod na gagawin na hakbang lalo na sa patuloy na pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng killer virus.

Kung kailan nga raw ito nandito sa Pinas eh saka naman dumarami ang may Covid.

Well, well, well…’Yun na!