Advertisers

Advertisers

Janella at Markus kinastigo ang basher nang i-bash ang 5-month-old baby; Kim namuhunan sa sandamakmak na boots

0 261

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BUTI na nga lang daw at nag-apologize na ang basher ng anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na nagngangalang Gabriel.

May post kasi sa socmed si Markus na tila naramdaman nito na napaihi ang anak na si Baby Jude habang karga-karga.



Bigla naman daw umepal at nagkomento ang basher na si Gabriel na sinabi na bakit nga raw hindi nila turuang mag-isang umihi ng kanilang anak at ang laking damulag na nga raw nito.

Pinalagan naman nina Janella at Markus ang basher ng kanilang baby.

May freedom of speech nga raw sa socmed pero be sensitive at ang bata pa raw ng kanilang baby na 5 months old pa lang.

Hindi nga raw nila ina-allow ang negativity sa kanilang page kaya naman kinastigo nina Janella at Markus ang basher at handa naman nilang harapin ito.

Kahit ang pamilya ni Gabriel eh humingi na ng sorry sa couple.



At ganun na rin ang basher ng kanilang anak na nag-sorry na rin sa pangba-bash sa anak nina Janella at Markus.

Kung hindi nga raw eh talagang kung saan nga raw makararating ang usaping pangba-bash nito sa kanilang anak.

***

KUNG dati nga raw na nagsisimula pa lang si Kim Chiu sa showbiz ay aminado ito na kapag may rehearsal, gamit nito ay rubber shoes at ‘yun na rin ang gamit niya sa kanyang show.

Inamin din nito na nanghihiram lang siya ng boots noon kapag may mga show.

Pero ngayon sa latest Vlog ay ipinakita ni Kim ang sandamakmak na boots na kanyang naipon.

At halos lahat ay branded at dahil nga sa dami ng boots eh umabot na ito sa 3rd floor ng kanyang bahay.

Iilan lang nga ang kanyang ipinakita sa kanyang Vlog at ang latest boots nga na kanyang nabili ay nagkakahalaga lang ng Php500 at isang pair sa isang online shop.

Akala nga ni Kim dahil mura lang ay hindi ganun kaganda ang nasabing boots pag nai-deliver na sa kanya.

Pero laking shock nito dahil grabe sa ganda ang nasabing boots na dagdag sa kanyang collection.

As in, nag-invest daw talaga ito sa kanyang mga boots para sa gagamitin nito na pang show.

Well,well,well…Yun na!