Advertisers

Advertisers

Winwyn ‘di makapaniwala na bida na sa pelikula

0 260

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HINDI pa rin makapaniwala ang beauy queen-actress na si Winwyn Marquez na siya ang napiling bida sa kakaibang pelikulang tatalakay sa mental illness, depression, and anxiety.

Tapos na ang shooring ng nasabing movie na pinamagatang Nelia, na tampok din sina Mon Confiado, Dexter Doria, Lloyd Samartino, Vin Abrenica, Ali Forbes, Shido Roxas, at Raymond Bagatsing bilang si Dr. Rey.



Sey ni Winwyn, nagandahan siya sa kuwento nito kaya natanong niya ang direktor kung para sa kanya ba talaga ang pelikula.

“Kasi very challenging siya. But they made me read the full script and after I did, I said yes. Kasi, it would be foolish for any actress na pakawalan ang ganito kagandang role,” kuwento ni Wyn.

May pressure ba sa kanya na siya ang magdadala ng movie tapos ay panahon pa ng pandemic ngayon?

Sagot ni Winwyn, “Gaya nga po ng sinabi ni attorney, it’s very nice to hear na she wants to make quality film and hindi niya priority ngayon yung kumbaga, kumita.

“And bilang artista, at least alam namin na hindi kami mape-pressure na kailangan ay ganito ang mangyari.”



“At least, ang focus namin ngayon is how we act and how we can portray our role better and to showcase to people in different platforms. Lalo na ang dami ng platforms sa internet, di ba? Mas malawak na ang reach, hindi mo alam kung sino ang makakapanood.

“So, thankful din ako na nandiyan sina attorney na iyan ang naiisip nila. Kasi, bilang artista na ngayon lang talaga magkakaroon ng title role, confident ako na iyon yung iisipin ko muna, kung paano mabigyan ng justice… hindi yung iisipin ko kung magkano ang kikitain ng film.

“Ang iisipin ko muna is sana magawan ko ng justice and magustuhan nina Atty. Honey. And I think once they feel na I did my best and yung ibang mga kasama ko po, it will follow naman, it will follow naman, for sure,” mahabang salaysay ni Wyn.

Natapos na nga ang shooting nila ng Nelia sa isang undisclosed new hospital sa Gapan, Nueva Ecija.

Dinirek ni Lester Dimaranan, ang Nelia ang unang sabak ng A and Q Productions Films Incorporated sa pagpoprodyus ng pelikula. Ang kompanya ay pinamumunuan nina Attorney Aldwin F. Alegre and Attorney Mary Melanie Honey Quiño, na siya ring sumulat nito.

Abangan ang petsa ng pagpapalabas ng nasabing pelikula.