Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAHAYAG ng mahusay na singer/composer na si Gari Escobar na siya ay thankful na maging bahagi ng Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert na magaganap sa April 18, 2021 (Sunday), via ticket2me.net platform, 8:00 pm (PHST & SGT), 5:00 am (PDT).
Saad ni Gari, “I feel honored na makasama sa list of performers kuya, gusto ko ang ganitong mga events na makakapagbigay saya at tulong sa kapwa, lalo sa panahon na ito ng pandemic.”
Aniya pa, “Thankful po ako sa PMPC president na si Roldan Castro sa pagkakataong ito.
“Sobrang happy po akong makatulong, plus masaya akong makasama ang mga magagaling na artists na tulad nina Alden Richards, Jed Madela, Kuh Lesdesma, at iba pa.”
Ang Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert ay isang virtual concert na magsasama-sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa. Ito ay fundraising concert na ang layunin ay makapagbigay ng kasiyahan sa manonood at para makalikom ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members, lalo na ang mga senior at mga may sakit na miyembro.
Ang benefit concert ay pangungunahan ng mga singer at artist na sina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela, Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma. Makakasama nila sina (in alphabetical order) JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa, Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band.
Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng PMPC Special Project Committee na binubuo nina Over-all Chairman/President Roldan Castro, Chairman/Vice President Fernan de Guzman, Co-Chairman Rommel Placente at mga miyembrong sina Rodel Fernando, Boy Romero, Mildred Bacud, Timmy Basil, at John Fontanilla, at ang buong pamunuan at mga miyembro ng PMPC para sa publicity and promotions.
Mabibili ang tiket para sa Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert sa ticket2me.net.
Samantala, bukod sa paglikha ng magagandang musika, kabilang sa pinagkakaabalahan ngayon ni Gari ay ang kanyang food supplement business.
Aniya, “Very busy po ako ngayon sa online business ko dahil very indemand ang immune products sa panahon na ito. Napupuyat talaga ako sa online, like kahapon po, almost 4 am na ako natulog.
“Marami kasing inquiries at mga order, lahat kasi ng product namin ay pampalakas ng immune system. Lahat po halos may ingredients na pang-boost ng immune system.
“Marami na po kaming natulungan na mga frontliners. Marami pong gumaling, kaya masaya po ako sa takbo ng business ko,” nakangiting saad pa ni Gari.