Advertisers

Advertisers

Kung nuon ay sobrang higpit… Sanya ‘di na hinihigpitan ng utol na si Jak

0 347

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PATULOY na umaarangkada sa ratings game ang First Yaya ng GMA na lead role si Sanya Lopez.

At dahil wholesome ang show, masasabing pahinga muna si Sanya sa pagpapa-sexy.



Bukod dito hindi naman daw talaga carry ni Sanya na magpaseksi nang todo.

“Opo, hindi pa naman po talaga kaya, pero…sabi nga nila, kung bibigyan man po ako nila ng another movie na medyo sexy nga daw po, evertime na tinatanong nila ako, lagi kong sinasagot na depende pa rin po sa istorya, at depende pa din po sa mga managers ko, sa nagma-manage po sa akin, at depende din po sa akin.”

Samantala, masayang-masaya naman ang nakatatandang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza.

Paano kung biglang magsabi ang dalawa na magpapakasal na ang mga ito?

“E di go,” bulalas ni Sanya. ‘Kung kaya ninyo na, kung kaya ninyo nang mabuhay dalawa, e di go!’



“Pero kung hindi pa naman, enjoy-in ninyo muna, huwag muna kayong magmadali, kasi mas masaya na… ibang klase na pag kinasal na kayo, ibang buhay na ‘yun.”

Mahigpit bang kapatid si Jak?

“Nung mga siguro fifteen ako, fourteen-fifteen, hanggang seventeen, actually hanggang twenty ako, sobrang higpit talaga ni Kuya.

“Kasi parang napi-feel niya na hindi pa time para magkaroon ako ng boyfriend, so ngayon naman sinasabi niya na sa akin na, ‘Malaki ka na, alam mo na ‘yung… alam mo na kung paano kontrolin ‘yung sarili mo, basta alagaan… nandiyan ka na e, basta alagaan mo lang kung anong meron ka’.”

Hindi na siya masyadong binabantayan ng kapatid niya.

“Ngayon po hindi na, pero lagi niya lang sinasabi sa akin na, ‘Ingatan mo lang ang lahat ng meron ka, importante pa din na mahalin mo ‘yung sarili mo’.”

Nag-aaway pa ba silang magkapatid?

“Ang pinaka-away lang naman naming dalawa ‘yung hindi ako masyadong… ’yung may naiiwan akong bimpo o kaya simpleng bagay lang.”

Mas maimis sa gamit si Jak sa kanya?

“Opo, mas ganun siya, like for example may naiwan lang ako na suklay, ‘bakit mo iniwan ‘yung suklay?’

“Ganyan, ‘yun lang,” tumatawa pang kuwento ni Sanya.

May DOM (dirty old man) na ba na nanligaw kay Sanya?

“Wala po, or wala lang po akong alam…wala po talaga.”

Kahit paramdam?

“Wala po.”

Ang First Yaya ay si Sanya (bilang si Melody Reyes), yaya o nanny ng mga anak ng  Presidente ng bansa na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta).

Gumaganap din dito sina Joaquin Domagoso bilang si Jonas na love interest ni Niña Acosta na ginagampanan naman ni Cassy Legaspi.

Napapanood sa GMA  Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi, ang First Yaya ay nagtatampok din, bukod kina Sanya, Gabby, Cassy at JD, kina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

Ito ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

***

SABAY-sabay nating alamin sa kababalaghan at kahindik-hindik na pagtatanghal ng Magpakailanman ngayong ika-10 ng Abril (8 pm) na pinamagatang “Sa Kamay Ng Fake Healer” na pinagbibidahan ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado bilang si Mylene, Juancho Trivino bilang Rico at Marc Anthony Falcon bilang si Noel.

Ito ay sa direksyon ni Don Michael Perez, pananaliksik ni Karen Lustica at panulat ni Vienuel Ello.

Inihabilin kay Mylene ng kanyang Lola Ising ang anak nitong si Rebecca para malayo sa gulo nang mambabae ang asawa nito. Tinanggap naman ng mag-asawang Mylene at Rico ang responsibilidad kay Rebecca.

Hanggang nakilala nila si Noel isang faith healer na may kaibigan daw na duwende. Kahit tutol si Mylene ay nagkaroon ng relasyon si Rebecca kay Noel.

Namatay si Lola Ising. At sa kagustuhan ni Noel na mas lumakas pa ang kapangyarihang manggamot, hiniling nito kay Rebecca na kunin ang “tuway sa tuhod” ni lola Ising – may taglay daw kasing kapangyarihan ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Rebecca kay Noel ay pumayag ito. Hinukay nga nila ang bangkay ng sariling ina at kinuha nila ang tuway sa tuhod nito.

Naging magaling na manggagamot nga si Noel at nakilala ito ng mga tao. Hindi pa rin lubos na naniniwala si Mylene kay Noel. Pero malalagay sa peligro ang ipinagbubuntis noon ni Mylene. Gagamutin siya ni Noel at muling mabubuhay ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Mula noon, maniniwala at magiging tagasunod na ni Noel si Mylene.

Ngunit noon din magkakasakit ng hindi maipaliwanag ang mga anak ni Rebecca. Sunud-sunod din itong mamamatay. Mumultuhin din ni lola Ising si Rebecca hanggang magkasugat ito sa tuhod, manghina at mamatay.

Bago malagutan ng hininga ay mababanggit pa ni Rebecca na hindi pa tapos ang paghihiganti ni lola Ising dahil maging si Mylene ay nakinabang din daw sa tuway sa tuhod ni lola Ising – ang ininom nitong gamot para mabuhay ang sanggol ay galing sa pinakuluang tuway.

Kay Mylene nga malilipat ang sumpa. Siya na ang mumultuhin at gagambalain ng kaluluwa ni Lola Ising. Hanggang pati ang kanyang pagbubuntis ay malagay na rin sa alanganin.

Ano ang gagawin ni Mylene para matigil ang sumpa at matahimik ang kaluluwa ng kanyang Lola Ising?

Panuorin sa Magpakailanman ngayong Sabado sa GMA at hosted by Ms. Mel Tiangco.