Na-scam daw tuloy siya… Bea inamin, winarningan ng kalabtim na si Lloydie nang makipagrelasyon kay Gerald
Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMING pinakawalang pasabog si Bea Alonzo tungkol sa kanyang ex na si Gerald Anderson sa panayam sa kanya ni G3 San Diego para sa Mega Magazine.
Ayon kay Bea, protective raw siya sa naging relasyon nila ni Gerald dahil ayaw daw niya itong mag-fail.
Dumaan din daw siya sa denial stage na pinaniwala niya ang sariling magwo-work ang relationship nila ng actor dahil sobra niya itong mahal.
Hindi rin daw niya mawari kung bakit ganoon siya nabulag kay Gerald.
“I don’t know, maybe because it’s our second chance and I didn’t want it to fail.”
Subalit nauwi nga raw ang lahat sa hiwalayan nang i-ghost siya ng aktor.
“Apart from, of course the whole infidelity thing and the whole ghosting thing, I think I’m mad at him more because he gaslighted me,” ani Bea.
“I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” dugtong niya.
Katunayan, sa nangyari sa kanya, ibinunyag niya na minsan na siyang winarningan ng kaibigan at perennial screen partner na si John Lloyd Cruz tungkol kay Gerald.
“Merong ‘I told you so’ moment of course, because he never really wanted that guy for me. Well, he never wanted anybody for me,” rebelasyon ni Bea.
Kaso, dahil umiral ang puso, hindi raw siya nakinig sa pangaral ni Lloydie.
Sa nangyaring pagtalikod daw sa kanya ng aktor, nagtanong din daw siya kung saan siya nagkulang.
“To be honest, when he ghosted me, para akong na-scam,” bulalas niya.
Kaya raw naman noong mag-post siya ng kanyang makahulugang emote sa Instagram, feeling daw niya, iyon lamang ang nararapat niyang gawin ng panahong iyon.
“As in like, when I posted what I posted, (the “Enough” over black on her Instagram), it felt like a weight off my shoulder. Parang I felt I was able to get my power back. Parang naisip ko, in my head, ‘Let me show you who I really am,”paliwanag niya.