Sen. Manny nanguna sa Trust at Approval Ratings sa Senado; Ieendorso ni SMC President Ang sa pagka-pangulo sa 2022
Advertisers
HINDI pa man pormal at opisyal na inaanunsyo ni Sen. Manny Pacquiao kung tatakbo siya sa pagka-pangulo sa 2022 election, ilan na ang nagpahayag ng pagsuporta sa kanya.
Kasama na sa naniniwala sa kakayahan ni Sen. Manny at ieendorso siya sa pagka-pangulo ng bansa ang Taipan at San Miguel Corporation President at CEO na si Ramon See Ang.
Samantala, lumabas naman sa isinagawang 2021 PAHAYAG Q1 Survey Results na si Sen. Pacquiao ang nakakuha ng pinakamataas na Approval (66%) at Trust Rating (53%) sa Senado.
Sumunod sa kanya sina Sen. Bong Go at Sen. Grace Poe.
“Nakatataba ng puso ang inyong patuloy na tiwala,” komento ni Sen. Manny sa nasabing survey. (BKC)