Advertisers
NAGWAGI si Candidate Master Genghis Imperial ng Manila Indios Bravos kontra kay Israel Landicho ng Cavite Spartans sa race-to-12 Chess For A Cause, Biyernes, Abril 9, 2021 sa lichess.org platform.
Inabot ng halos anim at kalahating oras ang laro ayon kay Bayanihan Chess Club secretary general Fide Master Robert Suelo Jr. sa 1-day event, 5 minutes plus 2 seconds increment time control format isinagawa kaalinsabay ng pagdaraos ng Araw ng Kagitingan
Nakaipon si Imperial ng total 12 points habang nakapagtala naman si Landicho ng 6 points kung saan may anim na tabla sila na hindi kasama sa bilang para manalo sa laban. (Marlon Bernardino)